Naranasan mo na bang pumuwesto sa likuran ng kaklase habang nagre–report?

  • Nanariwa sa mga netizens ang kanilang high school at college days dahil sa isang larawan
  • Nagpapakita ito ng isang lalaking mag–aaral na nakapuwesto sa likuran at tila nagtatago habang nag–uulat ang mga kasama
  • Marami sa mga netizens ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay dito

Sa makabagong paraan ng pagtuturo, hindi na lamang sa mga guro bumubukal ang mga kaalaman. Maging ang mga mag–aaral ay binibigyan na ng pagkakataon upang maibahagi ang kaniyang nalalaman sa klase. Maraming paraan upang maging “learner–centered” ang talakayan sa klase. Isa sa mga teknik ng pagtuturo ang pag–uulat o reporting.

Subalit hindi lahat ay komportableng tumayo sa harap ng maraming tagapakinig at magtalakay ng isang nakatalagang paksa. Maaaring dahil likas na mahiyain, o hindi lamang talaga nakapaghanda. Kaya ang ilan, pinipili na lamang pumuwesto sa likuran ng kapangkat upang hindi mahalata ng guro.

Iyan ang ibinahagi sa Facebook page na “Estudyante”.

Imahe mula sa Facebook page na Estudyante/Public Domain Image

Ayon sa kaniyang caption, “Ganito pwestuhan ko kapag kami na magre–report.”

Kalakip ng post ang dalawang larawan na nagpapakita ng isang lalaking mag–aaral na nakakubli sa likod ng kaklase niyang lalaki, habang ang ibang mga kapangkat ay nagtatalakay at isinasalba ang kanilang pangkat upang makakuha ng mataas na marka.

Marami naman sa mga netizens ang nakaugnay sa naturang post. Nanariwa sa kanila ang “high school at college days”.

“Pang likod pala no? Pero noon may teacher na ang tinatawag mga nasa likod hahaha, kaya wala ring kawala. Mas tinatawag pa nga ang nasa likod kasi nararamdaman ng teacher na hindi siya prepared. Kaya ako, tinatapangan ko na lang. Harap kung harap. Minsan nakakalusot naman. Tumitingin pa ako ng mata sa mata hahaha,” kuwento ng isa.

Pagbabahagi naman ng isa, “Yes, ganito ako lalo na kapag terror ang teacher namin. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko lalo na kapag nanggigisa na siya. Mahusay na guro iyon. Kaya natuto akong humarap sa madla.”

“Hahaha. Yes, I remember those classmates na wala namang silbi sa pangkat, tumayo lang na parang puno, pero same ang grade sa mga dumakdak at nagbida–bida,” sabi naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Estudyante/Public Domain Image

Ikaw, relate–much ka rin ba? Saan ka pumuwesto noong nag–report ka sa harap ng klase?

Loading…