Nasakote: Babae sa Bulacan, nagpa-rebond ng buhok matapos makatanggap ng P6.5-K ayuda

  • Nagpa-rebond ang isang babae sa Bulacan matapos makatanggap ng P6.5-K ayuda
  • Hinuli siya ng mga awtoridad dahil sa paglabag sa curfew
  • Umani ng samu’t-saring reaksyon sa social media ang ginawa ng babae

Kung sakaling makatanggap ka, o nakatanggap na, ng P6,500 ayuda mula sa pamahalaan, paano mo ito gagamitin?

Para sa isang babae, pagpapa-rebond ang isa sa una niyang pinagkagastusan mula rito.

Imahe mula sa Bombo Radyo

Hinuli ng mga opisyales ng Brgy. Biñang 2nd, Bocaue, Bulacan ang isang babaeng naglalakad pauwi dakong alas nuwebe y medya ng gabi nitong Lunes dahil sa paglabag sa curfew na ipinapatupad sa lugar.

Napag-alaman din na ang babae ay umaming nagpa-rebond matapos makatanggap ng P6,500.00 ayuda mula sa gobyerno.

Galing sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ayudang natanggap ng babae.

Layunin ng ayuda na makapagbigay ng tulong sa mga mahihirap na mamamayan na lubhang apektado dahil sa ipinapatupad ang enhanced community quarantine sa Luzon bilang pag-iingat  sa COVID-19.

Kuwento ni Konsi Rico Navarro sa Facebook, kasama ang babae sa tatlong katao na kanilang nasakote noong gabing iyon dahil sa paglabag sa curfew. Ang dalawa pa ay ang mag-asawang nag-aaway sa ilalim ng flyover.

Aniya, “Tatlong katao po ang aming nasakote kagabi (april 20) na lumabag po sa curfew kasama rito ang dalawang mag asawa na nag aaway sa ilalim ng flyover bandang 9 ng gabi.

“At isang babae na naglakakad sa crossing pauwi dakong 9:30 ng gabi na umaming nagparebond siya nang makatanggap ng ayudang 6,500 mula sa dswd.”

Image by Konsi Rico Navarro via Facebook

Agad namang humakot ng atensyon sa social media ang update ni Navarro. Nakalikom na ito ng higit 1,200 reaksyon at nasa 2,300 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Komento ng isa, “Hay, napaka-deserving naman talaga ng mga nakakakuha. Gipit na gipit. Kailangan talaga nila ‘yung inuuna nila, gaya ng pagpapa-rebond.”

Dagdag pang komento, “Bakit inuna pa ‘yung pagpapaganda kesa pagkain at mga gamit, pati gamot at iba pa. Then, kulang daw ‘yung ayuda?”

Ano ang masasabi ninyo sa pangyayaring ito?

Image by Konsi Rico Navarro via Facebook
Source :

Facebook

Loading…