Natatandaan mo pa ba ang commemorative 100,000-peso bill?

  • Nakapukaw sa interes ng mga netizens ang larawan ng isang 100,000 peso bill
  • Ito ay commemorative peso bill na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP noong 1998
  • Limitado lamang ang mga taong nagkaroon nito na karamihan ay mga banknote collectors

Hindi maitatangging mahalaga ang pera sa buhay ng isang tao. Ito ang ginagamit niya upang mabili ang mga pangangailangan upang patuloy na makapamuhay sa araw–araw. Nahahati ito sa dalawang uri: ang mga barya o coins at ang mga de–papel o bill.

Sa Pilipinas, ang pinakamaliit na halaga ng peso bill ay 20, na susundan naman ng 50, 100, 200, 500, at ang pinakamataas naman ay 1,000. Subalit alam mo bang nagkaroon ng 100,000 peso bill sa kasaysayan ng Pilipinas, na kailanman ay hindi naman nagastos ng sinuman?

Iyan ang sinariwa sa Facebook page na “Memoris of Old Manila”.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Ayon sa caption,  “One hundred thousand pesos… 1998 issue. Very scarce to find… only 1000 prints made by BSP. Never circulated…they’re in the hands of seasoned banknote collectors. This is my genuine copy. Sorry not for sale… for visual sharing only.”

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“I never knew there was such a thing… So beautiful. Paano kung nag–circulate iyan tapos pinambili sa tindahan, paano ang panukli? Hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi na sana naglabas ang BSP niyan kasi baka yung iba diyan eh makurakot lang. Pabor sa mga kurakot na taga government.”

Samantala, isang money collector naman ang nagbahagi ng kaniyang karanasan hinggil dito.

Aniya, “I remember this, ikinuwento ko ito sa classmate ko noong high school days, ayaw maniwala, syempre hindi ko naman mapakita wala naman akong 100,000 para mapapalit ng buo. Wonder if makita niya itong post na ito ngayon, kasi ginawa niya akong  katawa–tawa sa buong classroom for a month.”

Dagdag pa niya, “Wala pa kasi cellphone na pwedeng ma–Google kaagad noon. Now I’m a collector ng mga commemorative notes and coins, sana balang araw magkaroon din ako nito for my collections.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Noong taong 1998 nagawa ang commemorative 100,000-peso bill na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas na naitalang  “world’s largest banknote” batay sa Guinness Book of World Records. Ang naturang bill, na ipinagawa sa bansang Germany, ay sinlaki ng isang legal-sized bond paper.

Loading…