Nestlé PH inilunsad ang P500-million “Kasambuhay Program” para sa 1 million families at frontliners

  • Nestlé Philippines naglunsad ng P500-million program para sa isang milyong pamilyang Pilipino at sa libo-libong frontliners
  • Suportado rin ng kumpanya ang mga empleyado at business partners na patuloy na nagtatrabaho sa gitna ng health crisis
  • Tinatawag na “Kasambuhay ng Pamilyang Pilipino” ang programa ng Nestlé Philippines

Habang patuloy ang pakikibaka ng bansa sa COVID-19, ang Nestlé Philippines naman ay pinanindigan ang 108-year heritage nito bilang “Kasambuhay” – mapagkakatiwalaang kasama sa buhay – ng ilang henerasyon ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang programa.

Imahe mula sa Nestlé Philippines

Tinatawag na “Kasambuhay ng Pamilyang Pilipino” ang programa ng Nestlé Philippines. Sa ilalim nito ay naglaan ang kumpanya ng P500 million upang matulungan ang isang milyong pamilya at libo-libong frontliners, ang mga nangangailangan ng health care, mga empleyado nito at mga business partners.

Noon pa man ay pinagkakatiwalaan na ng mga pamilyang Pilipino ang Nestlé bilang “Kasambuhay” nila, kasama ang mga minahal nilang mga brands at produkto na tamang-tama para sa iba-ibang oras ng bawat araw at sa lahat ng yugto ng buhay.

Sinabi ni Nestlé Philippines Chairman and CEO Kais Marzouki na dahil malalim ang pagpapahalaga ng Nestlé Philippines sa mga Pilipino at sa mga komunidad sa bansa, tatapatan nila ang tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mga Pinoy sa pamamagitan ng pagtulong tulad ng pamamahagi ng kanilang mga produkto sa mga lubos na nangangailangan.

BIlang pakikiisa sa mga apektado ng umiiral na health crisis, mamamahagi sila ng  Kasambuhay kits na naglalaman ng  Nescafé, Milo, Bear Brand Fortified, Koko Krunch, Chuckie, at Maggi products sa isang milyong pamilya sa buong bansa.

Imahe mula sa Nestlé Philippines

Nauna nang nabigyan ng mga Nestlé products ang mga local government units, libo-libong healthcare workers at iba pang frontliners.

Binibigyan din ng kumpanya ng suporta at sinisiguro ang kapakanan ng mga empleyado at business partners sa patuloy na pagtatrabaho sa kabila ng mga kinahaharap na hamon dahil sa health crisis.

“As the Kasambuhay ng Pamilyang Pilipino, we are pursuing the Nestlé purpose of enhancing quality of life and contributing to a healthier future, which we believe becomes even more relevant during this challenging and difficult time,” sabi ni Mr. Marzouki.

Imahe mula sa Business World Online

Loading…