Netizen binigyang-pagpapahalaga ang sakripisyo ng mga pari

  • May panawagan ang isang netizen para sa mga pari
  • Pahalagahan daw sana ng mga Katoliko ang kanilang mga sakripisyo
  • Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens

Sa panahon ng paglaganap ng COVID–19 at sa krisis na idinulot nito sa lahat, hindi lamang pisikal na pangangatawan ang kailangang palakasin at patatagin, kundi maging ang ispiritwal na aspeto ng mga tao. Sa panahon ng kawalang katiyakan, marapat lamang na ipaunawa sa mga mamamayan ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal.

Kaya naman, binigyang–pagpapahalaga sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang “Leonor Rosales” ang mga sakripisyo ng mga pari, bilang mga alagad ng simbahan at tumatayong  “Tatay” ng mga Katoliko. Nag–ugat ito sa pagkawala ng isang pari. Panawagan niya, sana raw ay pahalagahan ng mga Katoliko ang kanilang mga sakripisyo.

Imahe mula sa Facebook account ni Leonor Rosales

Binanggit ng netizen ang ilang mga pahayag ng mga pari na nagsasaad na kapag pinasok ng isang tao ang pagpapari, hindi na lamang sariling kapakanan ang iniisip niya, kundi kapakanan ng lahat ng mga mananampalataya. Kung ang pari daw ay para sa lahat, minsan, wala na raw nakakaalala sa kanila, at naipararamdam sa kanila na mag–isa lamang sila.

Aniya, “We always see them as strong persons but the truth is they are trying/ need to be strong FOR US Understand the sacrifice of a priest.

Dagdag pa niya, “Minsan ba kinamusta mo rin sila without asking a request after? Or maaalala lang natin sila if we only need them? Real talk: Sometimes we are so selfish. Yes, makasarili tayo.”

Nagbigay naman ng reaksyon at komento rito ang mga netizens.

“Correct! Praying for all of you our priests. God bless you all!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Si Lord ang kanilang pamilya, iniwan nila ang family nila dahil si Lord ang kanilang sinumpaang maging kabiyak at wala nang iba.”

“I always include them in my rosary. Jesus loves them so much. Let’s continue praying for our priests,” pahayag naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook account ni Leonor Rosales

Nawa ay makita natin ang sakripisyo ng mga pari, at iba pang mga pinuno ng bawat panambahan at relihiyon!

Loading…