Netizen: “Chairman, corona virus po kalaban natin hindi zombie”

  • Ibinida ng isang netizen ang ginawang harang sa entry point ng kanilang lugar
  • Ito raw ay ideya ng kanilang Chairman
  • Aniya sa kanilang Chairman, “corona virus ang kalaban at hindi zombie”

Simula nang lumaganap ang mapamuksang COVID 19 sa Pilipinas, iba–iba na ang naging paraan ng mga lokal na pamahalaan upang maging matagumpay ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine, lalo na ang mahigpit na pagsasakaturapan ng social distancing, paggamit ng quarantine pass, at pagsunod sa curfew hours.

Kaya naman, kinatuwaan ang ibinahaging Facebook post ng isang nagngangalang “Jean Mariano” matapos niyang ibida ang ginawang harang ng kanilang “chairman” sa kanilang lugar. Batay sa larawan, para itong mga harang na makikita sa mga horror movie. Sabi sa caption, “Chairman, corona virus po kalaban natin hindi zombie.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jean Mariano

Makikita sa larawan na protektadong–protektado ng tinawag na “Chairman” ang entry point ng kanilang lugar upang walang sinumang makapasok mula sa ibang lugar o barangay, na maaaring carrier ng COVID–19 at makahawa pa sa iba. Mukhang mahigpit talaga si Chairman!

Umani naman ito ng komento mula sa mga netizens.

“Kayo naman… baka kasi mauwi sa pagiging zombie ang mga ma–infect ng virus. Hindi ba ganoon ang nangyari sa ibang movies, na sana naman ay hindi mangyari!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Prepared na prepared si Chairman ah. Para iyan sa matitigas ang ulo at hindi makaintinding bawal ang palakad–lakad sa panahon ngayon. Stay at home mga kapatid!”

“Pang ‘Walking Dead’ season 20ang peg ni Chairman, hahaha… mas mabuti na ang handa kaysa wala,” saad naman ng isa.

Ang paniniwala sa zombie ay nagmula sa Haitian foklore na tumutukoy sa mga taong namatay at muling nabuhay upang pumatay. Bagama’t wala pang naitalang ganito sa realidad,  ang mga zombies ay kadalasang ginagamit na katatakutan sa mga pelikula. Sinasabing ito ay likha ng kasamaaan.

Imahe mula sa Facebook account ni Jean Mariano/Public Domain Image

Sa kasalukuyan, ang mga zombies ay maaaring likha ng science fictional methods tulad ng pagiging virus carriers, radiation, sakit sa pag–iisip, vectors, pathogens, parasitos, scientific accidents, mutation, at iba pa.

Loading…