Staycation: Netizen ibinahagi ang paggawa ng DIY pool ng ama

Imahe mula sa Facebook | Rhobie Poco
  • Maraming summer plans ang naudlot ngayong taon dahil sa umiiral na enhanced community quarantine bilang pag-iingat sa COVID-19
  • Ang isang pamilya sa Bataan, gumawa ng sarili nilang swimming pool upang matuloy ang birthday celebration ng kanilang mga kaanak
  • Inabot ng pitong araw ang paggawa nito at gumastos sila ng P10,000 para sa mga materyales

Isa ka ba sa mga may naudlot na plano para ngayong summer dahil sa umiiral na enhanced community quarantine?

Imahe mula sa Facebook | Rhobie Poco

Ang pamilya ni Rhobie Poco sa Mariveles, Bataan, gumawa ng paraan upang matuloy ang birthday celebration ng kaniyang kapatid at pamangkin sa pamamagitan ng pagbuo ng DIY swimming pool.

Sa kaniyang Facebook post ay makikita ang araw araw na progreso ng paggawa ng pool na may sukat na 8.5 x 8.5 x 3 ft., na umabot ng pitong araw. “Gustong mag-swimming pero bawal lumabas? Say no more!” aniya.

“Dahil may ECQ po, ‘di kami puwedeng mag-outing this year kaya nagpagawa na lang ng maliit na pool para kahit papaano, makapag-swimming at mag-enjoy yung mga bata,” dagdag niya pa sa isang panayam sa GMA Public Affairs.

Sa kaniyang post ay inilista niya rin ang mga kakailanganing gamit para sa mga nais ding gawin ito sa kanilang tahanan.

Materials:

2 cubics sand, 12 bags of cement, 8 rebars, 130 pcs hollow blocks, G-I wire, 5 Sahara, Concrete neutralizer poison, 4 Elbow PVC pipes and 2 valves (for water supply), 2 inches PVC pipe and valve (drain), 1 PVC pipe, 1 gallon flexibond paint at 1 gallon latex paint

Imahe mula sa Facebook | Rhobie Poco

“Meron pong 2 inches PVC pipe with valve sa flooring para sa pag-drain ng water. Meron din pong pipes for water supply. Hindi po mano mano ang paglagay at pagtanggal ng tubig,” paliwanag niya.

Sa kabuuan ay gumastos daw sila ng P10,000 sa paggawa nito, at hindi pa kasama ang labor fee.

Marami ang napahanga sa diskarteng ito ng pamilya. Sa kasalukuyan ay may mahigit 20k reactions at 41k shares na ito.

Nais ninyong makita ang progreso ng kanilang paggawa?

I-click ang imahe para makita ang bawat larawan via Facebook

Loading…