Netizen, ibinida ang a la MasterChef na presentation ng mga simpleng pagkain

Imahe mula sa Facebook | Jadey Ezekiel Detera
  • Level up ang mga putaheng inihahanda ng isang netizen
  • Idinadaan ni Jadey Ezekiel Detera sa plating upang maging katakam-takam ang kaniyang mga putahe
  • Hindi raw siya chef at ang pakay lamang niya ay maghatid ng good vibes

Payak man ang pagkaing  inihahain ng isang netizen ay nagawan niya ng paraan upang magmukha itong katakam-takam.

Imahe mula sa Facebook | Jadey Ezekiel Detera

Level up ang presentation ni Jadey Ezekiel Detera sa sardinas, corned beef, canned tuna, tinapa, saging, itlog, kamoteng kahoy, noodles, at tuyo.

Pinarisan niya rin ng kwelang pangalan ang tinawag niyang “middle class lockdown meal” kaya naman labis itong kinaaliwan ng netizens. May mahigit 20k reactions at 31k shares na ang kaniyang post habang isinusulat ito.

“Kahit walang ayuda, walang problema. Gawa lang paraan. Good vibes lang. Umarte nang naaayon sa budget is all I am saying,” ani Jadey sa kaniyang post.

Ilan sa mga ihinanda niya ay caldereta flavored tuna na tinawag niyang enhanced special caldereta de lata; tinapa na may mga garnish na pinangalanan niyang tinapa wearing national costume; Don’t cry for me Argentina corned beef; at Sardinas Espanola de lata.

Paliwanag niya, hindi siya chef at nagkaroon lamang siya ng panahon upang gawin ang mga ito dahil tambay siya ngayong umiiral ang enhanced community quarantine.

Payo niya rin sa netizens, manatili sa loob ng bahay. “Let us spread good vibes and not virus,” aniya pa.

Imahe mula sa Facebook | Jadey Ezekiel Detera

Marami ang namangha sa plating na ginawa ni Jadey . “Minsan nasa plating lang talaga ang labanan,” sabi ni Chew C. “Akala ko tumitingin ako ng menu sa restaurant. Awesome ang plating,” pagsang-ayon naman ni Ma Ella.

Si Christine R. naman gagawin ito at sa plating na lamang babawi habang bawal pang lumabas.

Napansin din ng isang nagpakilalang food photographer ang plating ni Jadey. “I’m a food photographer. Hindi nga lang ako food stylist. This is very well done,” ani Lerry B

Si Mabel L. naman, sinabing mukhang hindi niya na magagawang kainin ito at tititigan na lamang niya. “Di ko na kakainin yan. Tititigan ko na lang. I cannot afford to ruin that masterpiece.”

Anong diskarte ang ginagawa mo sa iyong putahe ngayon ECQ?

Source :

Facebook

Loading…