Netizen, ibinida ang rider na nag-grocery para sa kaniya

Imahe mula sa Facebook | Mics Sarthou
  • Nagpasalamat ang isang netizen sa rider na matiyagang nag-grocery para sa kaniya
  • Habang namimili ay isinesend niya sa customer ang mga kinukuhang item upang masigurado na tama ang mga ito
  • Umani siya ng papuri mula sa netizens na nagsasabing sana ay magpa-seminar ito sa mga mister na hindi nasusunod ang listahan ni misis

Ibinida ng isang netizen ang rider na matiyagang nag-grocery para sa kaniya sa gitna ng umiiral na enhanced community qurantine.

Imahe mula sa Facebook | Mics Sarthou

Kuwento ni Mics Sarthou sa kaniyang post sa isang Facebook group, naghanap siya ng rider na handang mag-abono ng P4k haggang P5k para sa grocery items. “Inabonohan ni Kuya pero siyempre, alam naman niyang hindi scammer kausap niya kaya siya pumayag,” aniya.

Binigyan niya ng listahan ang rider na si Kobe Yarzo at habang namimili ito ay kinukuhanan niya ng larawan ang item at isine-send kay Mics upang masigurado na tama ang kinukuha niya. Bukod dito ay nagbibigay rin siya ng mga suhestyon na wala sa listahang ibinigay ni Mics.

“Ang bilis mag-reply ni Kuya kahit namimili. Madaling kausap. Kahit wala sa listahan mo, magbibigay siya ng mga posibleng kailanganin mo pero nakalimutan mong ilista,” aniya.

Malaki ang kaniyang pasasalamat dito kaya naman inirekomenda niya ito sa mga naghahanap ng mag go-grocery para kanila.

Umani rin ng papuri ang rider dahil marunong daw itong mag-grocery.

Imahe mula sa Facebook | Mics Sarthou

“Ganitong mister ang magandang utusang mamili. Yung mister ko kasi bibili na lang siya ng gulay, mga bulok at lanta pa,” ani Francyn A.

“Galing naman ni Kuya. May mga options at suggestions siya. Sana after lockdown si Kuya magpa-seminar sa mga husband para hindi naha-high blo0d yung mga misis,” komento naman ng isa.

Maging ang mga dating naging customer nito ay ibinahagi ang kaniyang kasipagan at katapatan.

“Naging rider ko na rin po ‘yan si Kuya. Mabait nga ‘yan at saka hindi siya abusado unlike noong iba. Nagpabili ako sa kaniya sa Jollibee. Nag-aalangan ako kasi sobrang haba ng pila sa Munoz branch…It took him almost 2 hours sa pagpila pero P20 lang siningil niya sa akin na dagdag para sa pagpila niya,” ani Lhai A.

“Thank you uli, Kuya. Na-appreciate po namin kayo.”

Good job, Kuya!

Source :

Facebook

Loading…