Netizen inspirasyon sa bagong tattoo ang mukha ni PH President Rodrigo Duterte

  • Agaw-pansin sa social media ang pagpapa-tattoo ng isang babae ng mukha ni Philippine President Rodrigo Duterte sa kanyang braso
  • Sa orihinal na post ni Honeylet Tañala Sauva, ipinahayag niya ang paghanga sa Pangulo dahil sa ipinamamalas umano nitong pagmamahal sa bayan
  • Ipinagtanggol naman ni Jan Renz Sauva, asawa at nagsilbing tattoo artist ni Honeylet, ang desisyon ng misis niya na ipalagay sa braso ang mukha ni Pangulong Duterte

Nagsilbing inspirasyon para sa bagong tattoo ng isang babaeng netizen ang mukha ni Philippine President Rodrigo Dutere.

Imahe mula kay Jan Renz Sauva | Facebook

Sa tila hidden Facebook post ng netizen na kinilalang si Honeylet Tañala Sauva noong April 15, sinabi nito na hindi siya fan ng kahit na sinong politiko.

Sa kabila nito, lubos na nakuha ni Pangulong Duterte ang pansin niya dahil sa ipinamamalas umano nitong pagmamahal sa Pilipinas.

“I am not a fan of any politicians but this one caught my attention. Sad to say kung hindi dahil sa C0VID-19 at mga basher niya, di ko makikita o makikilala kung sino ba talaga siya as a President of our country,” aniya.

“Salute to our President Rodrigo Duterte! Salamat sa walang sawang pagmamahal sa ating bansa at sa mga kapuwa kong Pilipino na matitigas ang ulo,” dagdag ni Honeylet.

Makikita sa post ang tattoo ni Honeylet na binase sa mukha ng Pangulo.

Ilang mga kulay rin ang ginamit dito tulad ng itim, berde, asul, at pula, sa paggawa ng tattoo sa braso ni Honeylet.

Sa hiwalay na post, ipinagtanggol naman ni Jan Renz Sauva, asawa at nagsilbing tattoo artist ni Honeylet, ang desisyon ng misis niya na ipalagay sa braso ang mukha ni Pangulong Duterte.

Ibinahagi rin muli ni Jan ang mga larawan na unang in-upload ng misis niya sa sarili nitong Facebook post.

Tattoo artist : Jan Renz Rosales SauvaCtto Avel Salen

Posted by Jan Renz Rosales Sauva on Wednesday, April 15, 2020

“My wife’s choices tattoo design our President Rodrigo Duterte,” ani Jan.

“Yung iba sinasabi bakit daw hindi na lang mukha ko? Yung iba sinasabi tanga daw siya kasi iyan pina-tattoo niya. Kahit anoman sabihin niyo balat niya po iyan. Spread love na lang po sana kaysa hatred,” dagdag rin nito sa nasabing post.

Loading…