Netizen itinampok ang kaniyang ‘styro art’ para makatulong sa mga apektado ng Luzon ‘lockdown’

  • Ibinida ng isang Ilocano artist ang kaniyang “styro art” upang makatulong sa ibang mga kababayan na apektado ng mas tumatagal na Luzon “l0ckdown”
  • Naisipan ni Juan Elani Tulas na ibenta ang ilan sa kaniyang art collection upang makabili ng relief goods ng mga nangangailangan
  • Umaabot sa P5,000 hanggang P10,000 ang halaga ng mga artwork ni Tulas na maaaring mabili online o sa pamamagitan ng pagbisita sa kaniyang art gallery

Naisipan ng isang Ilocano artist na gamitin ang kaniyang talento upang makatulong sa mga kababayan na apektado ng mas tumatagal na pagpapatupad ng enhanced communtiy quarantine sa Luzon.

Imahe mula kay Juan Elani Tulas | Facebook

Ibinida ni Juan Elani Tulas, isang visual artist na tubong Ilocos Sur, ang kaniyang mga obra sa social media upang maging daan para makapagbigay ng tulong sa mga kababayang nangangailangan.

“Chillside Food and Art Hauz launches Silpo Ti Biag, a little art project that aims to extend help to our neighbors (townmates) who are badly affected by this pandemic,” sabi nito sa isang Facebook post noong April 8.

“Narigat ti biag tata a panawen ngem mas pay narigrigat para kadagiti awanan. No man pay maisyasayangkat ti social distancing, agkikinibin kuma dagiti puspuso tayo a mang-ukod kadagiti marigatan a kailian tayo,” dagdag nito.

[Mahirap ang buhay sa panahon ngayon, pero mas mahirap para sa mga taong walang-wala talaga. Ngayong social distancing, maghawak-kamay sana tayo at sama-samang tumulong sa mga kabaryo nating hirap sa buhay.]

Nagpasalamat din ito sa ilang mga kakilala at kamag-anak para sa paglulunsad ng kaniyang online exhibit.

Tampok sa kaniyang online exhibit ang kaniyang “styro art” na gawa sa styrofoam.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nakukuha ni Tulas ang mga materyales gaya ng styro foam mula sa mga fast food chain at maging sa karton na pinaglagyan ng mga appliances.

Imahe mula kay Juan Elani Tulas | Facebook

Umaabot sa P5,000 hanggang P10,000 ang halaga ng mga artwork ni Tulas na maaaring mabili online o sa pamamagitan ng pagbisita sa kaniyang art gallery.

Ayon pa kay Tulas, mapupunta ang mga mapagbebentahan ng kaniyang artwork sa pamibili ng relief goods para sa ilang mga kababayan na hindi makapaghanapbuhay.

Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…