Netizen may gimik sa pagdiriwang ng kaarawan habang may ECQ

Imahe mula sa Facebook | Orville Dajab
  • Marami ang naka-relate sa isang netizen na nagbahagi ng larawan ng kaniyang imaginary handa dahil nasakto ito sa enhanced community quarantine
  • Imahinasyon na lang muna ni Orville Dajab ang kaniyang binusog sa pamamagitan ng pagsalansan ng kaniyang mga ‘handa’ na mga papel na may nakasulat na putahe
  • Ganito man ang mararanasan ng maraming iba pang magdiriwang ng kanilang kaarawan, alam nila na mas mahalaga pa rin ang kalusugan kaya’t babawi na lang daw sila kapag ligtas na

Inanunsyo ng pamahalaan na mae-extend pa hanggang sa May 15 ang enhanced community quarantine sa ilang mga parte ng bansa na may mataas na kas0 ng COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Aurora De Vera

Isa ka ba sa mga nagdiwang o magdiriwang ng kaarawan habang umiiral pa ito? Kung oo, tiyak na makaka-relate ka sa ibinahaging larawan ng isang netizen.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Orville Dajab ang isang larawan kung saan naka-pose siya kasama ang kaniyang mga imaginary handa — mga papel na may nakasulat na pangalan ng mga putahe.

“Yung feeling na birthday mo pero ECQ pa rin,” aniya. May mga hashtag din ito na stay safe at stay at home.

Makikita rin sa larawan na hinihipan niya ang kandila sa kaniyang “cake.” Nakasalansan din sa mesa ang lechon, lechong manok, lumpia, salad, valenciana, carbonara, pork barbecue, at garlic buttered shrimp. Talagang mabubusog ang iyong imahinasyon!

Imahe mula sa Facebook | Orville Dajab

Ramdam ng maraming netizen si Orville dahil hindi raw malayong maging ganito rin ang pagdiriwang ng kanilang kaarawan. Habang isinusulat ito ay may 18k reactions at 59k shares na ang kaniyang post.

Sinakyan din naman ng netizens ang pandar na ito ni Orville. Si Missy M., sinabi sa kaniyang kaibigan na invited siya sa kaarawan nito. “Invited ka, bessy. Iuwi mo na yung lechon.  Ilalagay ko sa malaking papel para sulit,” aniya.

Ang netizen na si Aurora De Vera, inedit pa ang larawan ni Orville at nilagyan ito ng larawan ng mga pagkain

Paalala naman ng ilan, magtiis muna sa simpleng selebrasyon at saka na lamang bumawi dahil mas mahalaga pa rin ang buhay at kalusugan.

Source :

Facebook

Loading…