Netizen nakiusap sa publiko na huwag magkansela ng orders sa Grab delivery

  • May panawagan ang isang netizen sa mga customers na nag-oorder sa Grab Food delivery
  • Huwag daw silang magkansela ng orders upang hindi naman masayang ang pera at oras ng mga riders
  • Bigyan din umano sila ng tip o kaya grocery items bilang pasasalamat

Sa panahon ng enhanced community quarantine kung saan hinihikayat ang mga tao na huwag nang lumabas ng kanilang mga tahanan upang bumili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan, malaking tulong ang nagagawa ng mga delivery apps, gaya ng Grab.

Kaya naman, ipinaalala sa Facebook post ng isang netizen na si “Reverie Jane Delina Atayde” sa publiko na huwag kanselahin ang orders sa Grab, at kung maaari, bigyan ang mga delivery riders ng tips o grocery items bilang pagpapakita ng pasasalamat sa kanila, na itinuturing ding frontliners.

Imahe mula sa Facebook account ni Reverie Jane Delina Atayde/Public Domain Image

“Please do not cancel your orders and please, please give them a tip or a pack of groceries once you received your order,” ayon sa kaniyang caption, kalakip ang isang larawang kinuha mula sa Facebook page na “Let’s Eat Pare” kung saan makikita ang mga Grab delivery riders na matiyagang nakapila upang bilhin ang mga orders ng mga customers.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Kudos to all Grab riders nationwide! 20,50,100 pesos tip malaking bagay na po sa kanila ‘yun. Init ng araw, minsan ulan ang nararanasan ng mga kapatid natin. Say thank you to them,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Or better yet, huwag na lang magpa–deliver kung ika–cancel rin lang. Kakaawa naman mga nagde–deliver. Dapat kasi in the first place, alam na ng customer na talagang matatagalan ang delivery kaya anticipate na nila yung time. Sana maging considerate naman.”

“Sana ma–implement katulad dito sa Italy… if you order your food, ide–deliver sa iyo pero bayad na muna and the food will arrive sealed well with the company, just to secure the buyer and yung magde–deliver.”

Public Domain Image

Marami na kasing mga kuwento na nagkakansela ng orders ang mga customers sa kalagitnaan, o kung kailan nakabili na ang mga Grab riders. Sa panahon ngayon, ipakita natin ang kabutihan at pagmamalasakit sa kapwa.

Loading…