Netizen sa natanggap na ayuda: “Mayor, bigas po ba ito o corals?”

  • Pabirong inihambing ng isang netizen ang natanggap na ayudang bigas sa mga corals
  • Itinuwid naman ito ng iba pang mga netizens na nagsasabing ito ay Basmati rice
  • Ang bigas na Basmati ay long-grain rice mula sa India, na kinukonsidera nila bilang isa sa mga may pinaka–de–kalidad na white rice

Isa sa mga ayudang natanggap mula sa lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga mapagkawanggang indibidwal ay bigas. Mapa–isang kilo man iyan o isang kaban, malaking bagay na ito sa mga mamamayan, lalo na’t maraming mga “bread winners” ang pansamantalang natigil sa pagtatrabaho at nawalan ng kita dahil sa ECQ.

Well, isang netizen na nagngangalang “Jay Chavez Hugo” ang pabirong nagbahagi sa kaniyang Facebook post ng larawan ng kaniyang sinaing mula sa pabigas ng kanilang mayor, na hindi tinukoy kung saang lungsod o bayan. Kakaiba kasi ang hitsura ng sinaing.

Tanong niya, ” Mayor bigas po ba ‘to o corals? Charot lang, sherep keye.”

Imahe mula sa Facebook account ni Jay Chavez Hugo/Public Domain Image

Makikita nga sa larawan na tila hindi na–inin ang pagkakasaing sa bigas, na maaaring dahil nagkulang sa tamang sukat ng tubig, o maaaring dahil sa kalidad ng mismong bigas. Naihambing tuloy ito sa mga coral reefs – o bahura – na matatagpuan sa ilalim ng dagat, at nagsisilbing panahanan ng mga isda at iba pang aquatic creatures..

Nabigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“I can’t describe what I feel seeing this picture. It’s odd and a bit creepy for me. Like I got this kind of tingling sensation spreading into the hair of my skin,” pabirong sabi ng isa.

“While looking at this photo, my brain suddenly stopped working, I need to think fast! So I removed my brain, and put some soil inside connect the wires and light it up! Joke lang hahaha. Basmati rice po yata tawag diyan. Common rice po sa mga Indians and Arabs,” paliwanag ng isa.

Turan naman ng isa, “Basmati rice ‘yan, ito ‘yung rice na ginagamit sa mga Indian retaurant. P200+ ang isang kilo niyan.”

Tama ang mga netizens sa kanilang sinabi na ang naturang sinaing ay Basmati rice.

Ang bigas na Basmati ay long-grain rice mula sa India, na kinokonsidera nila bilang isa sa mga may pinaka-de-kalidad na white rice. Ayon sa mga eksperto, “It has a distinctive aroma and, when cooked, each grain should remain separate, giving a light, fluffy result. It is the perfect accompaniment to Indian curries and is used in biriyani and pilaf dishes.”

Public Domain Image

Ito ay nagtataglay ng mga minerals at vitamins tulad ng  copper, zinc, calcium, potassium, magnesium, vitamin B1, B6, vitamin E, K, at pantothenic acids.

Loading…