NGO para sa mga bata apektado rin ng ECQ; humihingi ng donasyon

Imahe mula sa Facebook | Meritxell Children's World Foundation
  • Dumulog sa mga netizen ang isang NGO para sa mga bata upang humingi ng tulong dahil naapektuhan din sila ng umiiral na ECQ
  • Bumaba raw ang donasyon na kanilang natatanggap ngayon kaya naman halos wala nang laman ang kanilang ref
  • Sa hiwalay na Facebook post ay nagpasalamat din siya sa mga tumugon na sa kanilang panawagan

Humihingi ng tulong ang isang non-profit organization na kumakalinga sa mga bata dahil naapektuhan din sila ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | Meritxell Children’s World Foundation

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ng Meritxell Children’s World Foundation ang larawan ng kanilang refrigerator at freezer na halos wala nang laman.

“Life as we know it has indeed changed. Our houseparent took a photo of our refrigerator and freezer — in all the 12 years since we were established, it has never been this empty,” anila sa kanilang post.

Bilang isang NGO ay umaasa raw sila sa mga cash at in kind donations para pakainin, bihisan, pag-aralin, at kalingain ang mga bata.

Nangangamba sila dahil simula nang umiral ang ECQ ay nabawasan daw ang mga donasyon na kanilang natatanggap. Bukod dito ay naging mas mahirap daw ang pamimili ng mga pagkain para sa mga bata.

Imahe mula sa Facebook | Meritxell Children’s World Foundation

“The added challenge of physically purchasing food for 25 individuals has compounded our difficulties,” sabi nila.

“Any help would be truly appreciated. Maraming salamat po, mula sa mga batang Meritxell.”

Sa hiwalay na Facebook post ay nagpasalamat din sila sa mga tumugon na sa kanilang panawagan.

“The response has been truly ‘nakatataba ng pus0.’ Today has made us more hopeful for the future! Difficulties lie ahead but today has underlined that there are enough good people who care enough to make a difference.”

Para sa mga nagnanais na maghatid ng in kind donations sa foundation, makikita sila #24 Peach St., SSS Village, Concepcion Dos, Marikina City. Maaari ring magpadala ng cash donations sa kanilang BPI account. (Account name: Meritxell Children’s World Foundation Inc, Account number: 3021411395)

Source :

Facebook

Loading…