No car, no problem: Mga volunteer sa Tarlac katuwang ang kabayo sa pamamahagi ng relief

Imahe mula sa Facebook | Breih Pascua
  • Gamit ang mga kabayo ay namahagi ng relief goods ang magkakaibigan sa Victoria, Tarlac
  • Sabi ni Breih Pascua, pinahiram sila ng isang equestrian center ng apat na racing horses upang makatuwang nila sa kanilang relief efforts
  • Aniya pa, kahit nakakapagod ang kanilang ginagawa ay nag-eenjoy siya rito

Wala mang sariling sasakyan upang mas mapabilis ang pamamahagi ng relief goods ay patuloy na nag-aabot ng tulong ang magkakaibigan sa Victoria, Tarlac sa tulong ng mga kabayo.

Imahe mula sa Facebook | Breih Pascua

Kuwento ni Breih Pascua, pinahiram sila ng isang equestrian center ng apat na racing horses na sina Ares, Athena, Victoria, at Bella upang makatulong sa kanilang relief efforts.

“Balik tayo sa makalumang pamamaraan. Yeehah! No car? No problem! Thank you to these horses of Victoria Equestrian who helped us distribute these relief packs to some areas here in our town,” aniya.

Sa kanilang pag-iikot ay naghatid sila ng masustansyang gulay nang sa gayon ay manatiling malusog ang mga kanilang mga kababayan.  “We decided to distribute veggies this time as part ng advocacy namin na inumpisahan ng aking sissy na si Era Nunag to promote healthy food,” pahayag ni Pascua sa isang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook | Breih Pascua

“So lahat ng naipon for one week na fundraising ay naibili natin ng vegetables and goods na naipamahagi natin sa mga kababayan natin,” aniya.

Ayon sa GMA News, umabot na sa P100,000 ang halaga ng naipamigay nila sa kanilang mga kababayan sa masipag nilang pamamahagi tatlong beses sa isang linggo.

Bukod sa pamimigay ng mga pagkaing nakabubusog ay nakapagdudulot din sila ng ngiti sa mga nangangailangan lalo na kapag nakikita ng mga ito ang dala nilang mga kabayo.

“Nag-eenjoy po kami kaya hindi kami mapapagod na tumulong kahit papaano. Maraming salamat sa lahat ng mga patuloy na nagdo-donate. Mabuhay po kayong lahat,” ani Pascua. “We encourage everyone to help kahit sa papaanong paraan lang. Together we heal as one.”

Loading…