Noveleta Mayor Dino Chua, idinonate ang suweldo hanggang Disyembre para sa mga nasasakupan

Imahe mula sa Facebook | Mayor Dino Reyes Chua
  • Para mabahagian ng food packs ang lahat ng mga pamilyang kaniyang nasasakupan ay idinonate ni Noveleta Mayor Dino Reyes Chua ang kaniyang suweldo hanggang Disyembre
  • Ito raw ay bilang pagtugon na rin umanosa hamon ni Manila Mayor Isko Moreno
  • Hiling niya rin ang panalangin na malagpasan na ng mga bansa ang pagsubok na ito

Upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga nasasakupan sa mga susunod na araw ng enhanced community quarantine (ECQ), nagdesisyon si Noveleta Mayor Dino Reyes Chua na i-donate ang kaniyang suweldo hanggang sa katapusan ng taon.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Dino Reyes Chua

Sa isang Facebook live video ay sinabi ng alkalde na tutuparin niya ang pangakong linggu-linggong food packs para sa mahigit 15,000 pamilya sa Noveleta, Cavite.

Sa unang linggo, namahagi sila ng hygiene kits na may lamang alcohol, sabon, at bleach. Sa ikalawa at ikatlong linggo naman ay namahagi sila ng food pack mula sa pondo ng barangay, mayor, at Sangguniang Bayan.

“[Sa ika-apat na linggo], inaasahan natin na may matatanggap tayong tulong from national government, from DSWD man, pero wala pong dumating,” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Mayor Dino Reyes Chua

Dito niya raw naisip na kumasa sa hamon ni Manila Mayor Isko Moreno na i-donate ang suweldo para sa taumbayan. Ngunit alam niya raw na kung isang buwang suweldo lang ay hindi kakasya para mabigyan ang lahat ng mga taga-Noveleta.

“Ang suweldo ko hanggang Disyembre ay idodonate ko para mapunan yung mga bigas, delata, pagkain, para lahat ng 15k families sa bayan ng Noveleta ay mabigyan,” sabi ng alkalde.

Ihahatid daw ang mga ito sa mga bahay upang hindi malabag ang social distancing.

Hiling pa ni Mayor Chua, sana raw ay manalangin ang lahat na matapos na ang kinahaharap na pandemic ng maraming bansa sa buong mundo.

“Sana ngayong Holy Week ay magdasal tayong lahat na malagpasan natin ito at alam kong kaya po nating malagpasan ang krisis na ito.”

Source :

Facebook

Loading…