Nurse gumawa ng artwork gamit ang syringe para sa kapwa frontliners

Imahe mula sa Facebook | Kimberly Joy Mallo Magbanua
  • Marami ang napahanga sa artwork ng isang nurse na binuo niya gamit ang syringe
  • Ani Kimberly Joy Mallo Magbanua, naging inspirasyon niya ang Inang Bayan at ang mga kapwa niya frontliner sa pagbuo nito
  • Makikita rito ang watawat ng Pilipinas na sumasailalim sa isang operasy0n

Gamit ang mga hiringgilya at karayom ay nakabuo ang isang nurse ng syringe artwork na alay niya para sa Inang Bayan at mga frontliner ngayong kinahaharap ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa Facebook | Kimberly Joy Mallo Magbanua

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni Kimberly Joy Mallo Magbanua, isang nurse mula sa Valladolid District Hospital sa Negros Occidental, ang artwork na tinawag niyang “Inang Bayan.” Kalakip din nito ang isang tula na sumasalamin sa kaniyang saloobin.

“I got inspired by the thoughts that popped into my mind yesterday so I painted a syringe art and write a poem about her,” aniya.

Sa kaniyang artwork ay makikita ang mga frontliner na nagsasagawa ng operasy0n sa watawat ng Pilipinas.

“Our motherland is sick… She’s battling inside the operating room now. Can we help her move to the recovery room or help her transfer to the ward as soon as possible?” aniya.

Imahe mula sa Facebook | Kimberly Joy Mallo Magbanua

Hinimok niya rin ang lahat na magkaisa at magtulungan tungo sa sama-samang paghilom.

Samantala, ang tulang kaniyang isinulat naman ay liham ng Inang bayan para kay Juan. Dito ay sinabihan ng Inang Bayan si Juan na makipagtulungan sa kaniyang mga kapatid upang malagpasan ang pagsubok.

“Makipagtulungan ka sa kapatid mo para ako’y gumaling. Sila ri’y nagsasakripisyo para sa huli’y ang pamilya nila’y makapiling din,” saad sa tula.

“Uukit sa kasaysayan kapag tayo’y nagkaisa. Sa mahal na bayan, magbabaga ang pag-asa. Sa Poong Maykapal tayo ay manalangin. Siya’y may awa ay dasal nati’y didinggin.”

Marami ang humanga sa kaniyang mga ginawa. “God bless your soul. This artwork is a masterpiece and what we need at the moment. Proud of you,” komento ni Brey M.

Panoorin dito kung paano niya ginawa ang artwork:

Source :

Facebook

Loading…