Nurse inilagay sa photo frame ang home quarantine pass

  • Inilagay ng isang nurse ang kaniyang quarantine pass sa loob ng isang photo frame
  • Ginawa niya ito upang magdulot ng good vibes sa kanyang followers, at nang maibsan naman ang kalungkutan sa gitna ng pinagdaraanang pagsubok ng bansa
  • Marami naman sa mga netizens ang nagpahayag na gagayahin nila ito bilang souvenir at paalalang dumaan sa matinding pagsubok ang bansa lalo na’t nakaukit na ito sa kasaysayan

Sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon, isa sa mga naging paraan ng ilang mga lokal na pamahalaan na ipinatutupad sa mga barangay, ang pagbibigay ng isang “home quarantine pass” para sa isang pamilya o tahanan. Ito ay upang malimitahan lamang ang mga lumalabas ng kanilang mga bahay para bumili ng mga pangunahing pangangailangan.

Iba–iba ang paraan ng mga tao upang maingatan at hindi mapunit o masira ito. Ang iba ay pinapa–laminate, binabalutan ng plastic, o inilalagay sa pitaka upang matiyak na hindi mawawala. Subalit ibang paraan naman ang ginawa ng isang nurse kung saan inilagay niya sa isang photo frame ang kaniyang quarantine pass.

Imahe mula sa Bayan Mo Ipatrol Mo ng ABS CBN

Salaysay ng nurse sa “Bayan Mo Ipatrol Mo” ng ABS–CBN na nagngangalang “Chris Cordero” na tubong Capiz, minabuti niyang i-post ang kanyang naka-frame na quarantine pass upang magdulot ng good vibes sa kanyang followers, at nang maibsan naman ang kalungkutan sa gitna ng pinagdaraanang pagsubok ng bansa.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens, na nahikayat na gayahin ito dahil kung tutuusin, bahagi na ito ng kasaysayan.

“Ako, itatago ko rin at ipapakita ko sa magiging apo ko balang araw, ikukuwento ko sa kanya na iyan ay isang alaala na dumaan sa isang matinding pagsubok ang buong mundo at ito ay dahil sa COVID–19,” turan ng isa.

Sabi naman ng isa, “It will be part of our history so we must keep it. Kapitbahay ko nga, pina–tattoo pa niya eh, hahaha.”

“After nitong quarantine na ‘to, ife–frame ko rin yung sa akin, bilang isang paalala na nagdaan sa isang napakatinding pagsubok ang bansa at buong mundo, at paalala na rin na kailangang maging malinis sa katawan at alagaan ang kalusugan,” pahayag naman ng isa.

Public Domain Image

Ikaw, anong balak mong gawin sa home quarantine pass mo pagkatapos malagpasan ang krisis na ito?

Source :

Facebook

Loading…