OWWA nilinaw na hindi tinipon ni Mocha Uson ang mga OFWs na naka-quarantine sa Batangas

  • Kontrobersyal na mass gathering ng mga OFWs na naka-quarantine sa Batangas kasama si Mocha Uson, nilinaw ng OWWA
  • Sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na nadatnan na ni Mocha ang mga OFWs sa beach
  • Pinapunta ni Cacdac si Mocha sa Matabungkay upang paalalahanan ang mga OFWs tungkol sa quarantine protocols
  • Ang barangay sa Matabungkay ang umalma dahil nagtampisaw sa beach ang mga naka-quarantine na OFWs 

Noong nakaraang Sabado, ika-25 ng Abril, ay nag-post sa kanyang social media account si Mocha Uson, ang Deputy Administrator (DA) fo the membership Promotion, OFW Family Welfare and Media Relation ng Overseae Workers Welfare Administration (OWWA) tungkol sa pagdalaw niya sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naka-quarantine sa Batangas.

Imahe mula sa Facebook account ni Mocha Uson

“Kinumusta po natin ang kalagayan ng 322 OFWs natin sa Matabungkay, Lian, Batangas,” post ni DA Uson sa Facebook account niya na may kalakip na larawan ng maraming OFWws  na mapapansing nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

Dahil sa mga larawan ay marami ang nagsabi na labag sa quarantine protocols ang ginawa ni DA Mocha na tinipon ang maraming OFWs. Bawal raw ang mass gathering. Panawagan ng mga netizen ay mag-resign sa kanyang posisyon si Mocha.

Nilinaw naman ni OWWA Administrator Hans Cacdac na hindi tinipon ni Mocha ang mga OFws sa Matabungkay. Aniya, siya mismo ang nagpapunta kay Mocha sa Batangas upang paalalahanan ang mga naka-quarantine na OFWs na huwag lumabas sa kanilang quarantine site.

“Hindi, hindi. Nadatnan niya doon ‘yung mga tao… Siguro akala lang nung mga tao na in-organize niya ‘yun, na talagang taos-puso niyang gustong magkaroon ng mass gathering,” sabi ni Cacdac.

Imahe mula sa Facebook account ni Mocha Uson

Nabahala raw ang barangay sa Matabungkay dahil ang ibang OFWs ay nagtampisaw sa beach.

“Medyo umalma na naman ‘yung barangay doon dahil meron daw nagtatampisaw doon sa beach na nag-quarantine. So, pinapunta ko si DA Mocha, sabi ko pakitingnan at pakipaalala sa mga tao,” paliwanag ng OWWA Administrator.

“She had the best of intentions and she carried out the message, she delivered the message effectively, nakuha ‘yung mensahe and then ‘yun na tapos na. It was a brief briefing, ” dagdag pa ni Cacdac.

Sinabi rin ni Cacdac na hihingin nila ang panig ni DA Mocha Uson tungkol sa insidente. Ayon pa sa kanya, batay sa mga larawan ay ginawa naman ng mga OFWs ang social distancing.

Tumagal lang daw ng 15 minutes ang pakikipag-usap ni Mocha sa mga nasabing OFWs.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ay nagbigay na si Mocha ng kanyang panig hinggil sa kontrobersya.

Imahe mula sa PNA

Loading…