P100-K halaga ng karne ng baka ipinamahagi sa kabarangay ng isang pamilya sa Ilocos Norte

  • Gumagaan ang pagsubok dahil sa pagtutulungan ng mga mamamayan
  • Isang pamilya sa Ilocos Norte ipinamahagi ang karne ng kanilang dalawang baka
  • Nasa P100,000.00 ang halaga ng kanilang ipinamahagi

Batid natin ang hirap na kasalukuyang dinaranas ng marami sa ating mga kababayan sa gitna ng COVID-19 pandemic partikular ang mga kapos sa buhay.

Pero ang mga ito ay gumagaan dahil sa mga may mabubuting loob na handang ipamahagi ang sana’y kanilang mapagkakakitaan.

Image by Glesie Agmata Aguilar via Facebook

Katulad na lamang ng isang pamilya sa Ilocos Norte na piniling ipamahagi ang karne ng kanilang dalawang baka sa mga kabarangay.

Ayon sa ABS-CBN News, nagkakahalaga sana ang dalawang baka ng nasa P100,000.00. Sa kabila nito, nanaig pa rin ang pagnanais na makatulong ng pamilya Diego.

Ipinamahagi ng pamilya ang mga karne sa kanilang kabarangay sa Barangay 8, San Antonio, Sarrat, Ilocos Norte.

Paraan umano ito ng pamilya para matulungan ang kanilang mga kabarangay na nangangailangan.

Sabi ni Glesie Agmata Aguilar sa Facebook, “Daytoy tay duwa nga baka nga pinaparti ni [Ito ang dalawang baka na ipinakatay nina] Uncle Dennis Diego / Auntie Kaonashi DiegoGanotisi,

“Lolo Patricio Diego/Lola Rita A. Diego and Auntie Allizeigh Diego Bigornia / Uncle Vene Bigornia and Uncle Johdie Diego and Auntie Editha Blanche nga maibunong iti buo nga [na maipapamahagi sa buong] Barangay 8, San Antonio, Sarrat.]”

Pinasalamatan naman ng kanilang mga kabarangay at mga netizens ang pagtulong ng pamilya Diego.

Image by Glesie Agmata Aguilar via Facebook

Sabi ng isa, “Thank you very much Diego Family for the love. More blessings to return.”

Pahayag naman ng iba, “You’re a wonderful person with a good heart, continuously helping your neighborhood. God is looking on what you do with people around you. God bless you and more blessings for you. Keep safe.”

Dagdag pang komento, “Ilocanos are sweet and kindhearted people. Thank you so much Sir/Ma’am for sharing your blessings. More blessings will return to your family. God bless us all.”

Pinatutunayan lamang nito na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino.

Image by Glesie Agmata Aguilar via Facebook

Loading…