Pabuya para sa makaiimbento ng vaccine kontra C0VID-19, itinaas ni Pang Duterte sa halagang P50M

  • Itinaas ni Pangulong Duterte ang cash reward para sa mga makatutuklas ng vaccine na makapipigil sa pagkalat ng C0VID-19
  • Mula sa halagang P10 milyon, sinabi ng Presidente na gagawin niyang P50 milyon ang cash reward dahil batid niyang kakailanganin ng tulong ng higit sa isang tao para makagawa nito
  • Ayon pa sa Pangulo, posibleng magbigay pa siya ng karagdagang P50 milyon kapag naging masaya siya sa resulta ng vaccine

Itinaas na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang cash reward para sa mga makaiimbento ng bakuna para pigilan ang pagkalat ng C0VID-19.

Imahe mula sa live video ng PTV | Facebook

Sa kaniyang talumpati ganap na alas-8 ng umaga nitong April 24, sinabi ng Pangulo na gagawin na niyang P50 milyon ang cash reward ng mga makagagawa ng vaccine kontra novel corona virus. Limang beses itong mas mataas kumpara sa dating P10 milyon na alok ng Pangulo ilang araw pa lamang ang nakalilipas.

“Yung P10 milyon ko [para sa] ating mga scientist dito sa Pilipinas, yung mga doktor, the bright Filipinos who are there working day and night, trying to find out how to combat C0VID, I’m raising the bounty to P50 million,” ani Pangulong Duterte sa isinagawa nitong online briefing.

“P50 million ho ang ibigay ko sa grupo because it is a collegial thing, hindi naman sa isang tao,” paliwanag niya.

Ayon pa sa Pangulo, posibleng magbigay pa siya ng karagdagang P50 milyon kapag naging masaya siya sa resulta ng vaccine.

“P50 million, baka ‘pag sa ligaya ko another P50 million. Kung maligaya akong masyado eh di P100 million, puro kayo milyonaryo… Huwag kayong mahiya, tanggapin ninyo iyan,” giit niya.

Nagpahayag rin ng suporta ang Presidente sa Department of Health at sinabing handa siyang magbigay ng pinansiyal na suporta upang mapondohan ang mga kinakailangan at karagdagang research ng mga local scientist.

Imahe mula sa live video ng PTV | Facebook

“Kung kailangan nila ng additional funding, all they have to do is magsabi lang sila sa iyo [Health Secretary Francisco Duque III], I’d be glad to kung di masyadong malaki kasi gipit tayo sa pera, I will freely give it to them,” ani Pangulong Duterte.

“Ang C0VID hindi matatapos ‘yan. It will be here and it will stay until kingdom come pero kapag may bakuna na—baka sakali na mauna tayo, ma-involve din ‘yung ating more scientists to work over time to come up with a vaccine. C0VID equals vaccine. Period.” sabi pa niya.

Source :

Facebook

Loading…