Pag-asa trio: Manny Pacquiao at Isko Moreno, nag-guest at nakapanayam ni Willie Revellime sa Wowowin online show

  • Nag-guest sa online show ng Wowowin sina Senador Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno
  • Sinabi ni Senador Manny na hindi raw kailangan ng husay sa pagsasalita ng English para maging mabuting lider
  • Ayon naman kay Yorme Isko, lahat daw ay maaaring tumulong sa panahon ngayon, maliit man o malaki

Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng pag-asa at saya ng hit game show ni Willie Revillame na Wowowin. Ngayong nasa enhanced community quarantine (ECQ) ang bansa, nagbibigay ng papremyo si Willie sa pamamagitan ng Tutok To Win segment ng online show ng Wowowin.

Marami ang umaasa na mapipili sila ni Willie at matatawagan upang mabigyan ng mga papremyo. Pero mas nagbigay ng excitement sa mga manonood ang pag-guest ng dalawa sa mga hinahangaang personalidad ngayon na sina Senador Manny Pacquiao at Manila Mayor Isko Moreno.

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

Unang lumabas ang pambansang kamao na si Senador Manny sa show ni Willie. Dito ay napag-usapan nila ang kalagayan ng ating bansa. Biro ni Willie sa senador, kung sila raw dalawa ang magiging president at vice-president, mas maiintindihan daw sila ng mga tao dahil hindi sila mag-e-English.

Sinang-ayunan naman ito ng senador. Inihayag niyang ang paglilingkod sa bayan ay hindi naman nasusukat sa kakayahang magsalita ng wikang English at hindi naaayon sa lawak ng pinag-aralan at pagkuha ng degree sa ibang bansa. Ayon sa kanya, dapat daw ay alam ng mga lider ang suliranin ng bansa upang wasto itong masolusyunan.

“Ang pagiging mabuting lider, hindi nasusukat sa pagsasalita ng Ingles. Ang dami ng lider nating magaling mag-Ingles, maraming mga school degree, maraming mga nag-Harvard University, kung ano-ano pang mga school na malalaki, eh anong nangyari sa bansa natin, lalong naghirap?” pahayag ni Senador Manny.

Sumunod namang nag-guest si Yorme Isko na ang bungad ay pasasalamat kay Willie dahil gumagawa pa rin ng paraan ang show upang magbigay ng kasiyahan sa mga mamamayan sa kabila ng kinahaharap nating krisis ngayon.

Larawan mula sa YouTube video ng Wowowin

Hinikayat din ni Yorme ang mga manonood na tumulong kung mayroong kakayahan. Ayon sa kanya, kayang-kaya ng sinuman ang tumulong, katulad ng serbisyong ipinamamalas nila sa publiko ngayon. Wala raw maliit o malaking tulong ngayon, dahil bawat serbisyo ay mahalaga.

“Kaya n’yo rin yun. Huwag n’yong bibilangin ang pagitan ng piso at isang milyon… Any help will do. Lahat ng uri ng tulong ngayon at maipakita natin ang tunay na pagmamalasakit sa kapuwa, iyong mga nanonood kaya n’yo pong gawin iyon in your own little way,” pahayag ni Mayor Isko.

Panoorin ang panayam ni Willie kay Senador Pacquiao:

Pakinggan naman ang mensahe ni Yorme Isko sa mga manonood:

Loading…