Pag-oorder ng milk tea sa Macao Imperial sa gitna ng ECQ, tila audition ang naging datingan

  • Dahil sa ipinatutupad na social distancing, nanatili sa labas ng milk tea shop ang isang netizen at gumamit ng mic para ipaalam sa mga staff ng Macao Imperial ang kaniyang order
  • Kinaaliwan naman ang video ni Juan Paolo Caniamo sa Facebook dahil parang nag-o-audition umano sa beauty pageant
  • Agad itong nag-viral sa social media at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens

“Parang nag-o-audition sa isang beauty pageant.”

Imahe mula sa Facebook video ni Juan Paolo Caniamo

Ganito isinalarawan ng isang netizen ang kaniyang karanasan matapos naisin na makatikim muli ng milk tea mula sa isa sa mga kabubukas lamang ulit na branch ng Macao Imperial sa Maynila.

Sa Facebook video na ibinahagi ng netizen na kinilalang si Juan Paolo Caniamo sa Facebook noong April 13, mapapanood ang paraan ng pag-oorder niya ng milk tea alinsunod sa ipinatutupad na social distancing sa ilalim ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Makikita na nananatili siya sa labas ng milk tea shop at ginamit ang mic na malapit sa entrance Macao Imperial upang ipaalam sa mga staff nito ang kaniyang order.

“Audition for Macao Imperial milk tea model 2020! O-order ka pa ba?” pabirong sabi ng netizen sa caption ng post.

Hindi naman naitago ni Caniamo sa video ang pagkaaliw niya sa bagong paraan ng pagpapa-order ng milk tea shop para panatilihin ang kaligtasan ng kanilang staff at customers.

Maging ang netizens ay nagpahayag ng kanilang pagkatuwa sa video.

Agad itong nag-viral at umani ng iba’t ibang reaksiyon sa social media. Karamihan ay inihalintulad ang kakaibang set up ng Macao Imperial sa audition na nagaganap sa mga beauty pageant.

Audition for Macao Imperial Milktea model 2020! O-order ka pa ba? ? Macao Imperial Tea Philippines ?

Posted by Juan Paolo Caniamo on Sunday, April 12, 2020

“Kailangan yata may kasabihan muna bago um-order,” natatawang sabi ni JB.

“Hala! Baka mapakanta ako sis. Hahaha,” biro naman ni JP.

“Mag-review ka muna bago ka umorder. Hahaha,” payo namn ni MAC matapos i-tag ang pangalan ng kaibigan sa comment section.

Source :

Facebook

Loading…