Pagiging fit ni Andi Eigenmann, hinangaan ng mga netizens

  • Tahimik at payak ang pamumuhay ng aktres na si Andi Eigenmann sa Siargao kasama ang kaniyang partner na si Philmar Alipayo at ang kanilang anak na si Baby Lilo
  • Kahit kapapanganak pa lamang noong Hulyo 23, 2019 ay napanumbalik pa rin ang magandang hubog ng kaniyang katawan
  • Malaki ang tulong ng surfing at ng angkop na paraan ng pagkain sa pagiging fit ng aktres na hinangaan ng mga netizens

Sa latest Instagram post ni Andi, ibinida nito ang kaniyang workout clothes na nagpapahiwatig ng pagbabalik-loob niya sa kaniyang fitness goals. Sa kabila nito, nananatiling fit ang aktres dahil naging abala naman siya sa paglangoy at pagse-surf.

Malaking tulong din ang estilo ng kaniyang pagkain.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“From living in my swimmers to living in workout clothes. Put my fitness goals on hold but still allowing my body to move about as it deserves, and nourishing it by eating intuitively,” ayon sa post ni Andi.

Ayon sa website ng Healthline, ang intuitive eating ay isang pilosopiya sa pagkain na nakatutulong sa iyo upang maging eksperto sa iyong katawan at pagtugon sa senyales ng gutom. Kabaligtaran daw ito ng tradisyonal na pagdidiyeta.

“Intuitive eating is a philosophy of eating that makes you the expert of your body and its hunger signals. Essentially, it’s the opposite of a traditional diet. It doesn’t impose guidelines about what to avoid and what or when to eat,” paliwanag ng Healthline.

Samantala, maraming netizen ang humanga sa kaniyang effort sa pagkakaroon ng malusog at magandang hubog na katawan sa loob lamang ng siyam na buwan matapos nitong ipanganak si Baby Lilo noong Hulyo 23, 2019.

“Wow! Daming improvement sa body ni Miss Andi. Determination talaga. Gawin ko kaya? Na-inspire ako…” batay sa komento ng isang netizen.

Sinabi naman ng isang netizen na ang paraan ng pamumuhay ni Andi ang nakatulong para makamit nito ang kaniyang fitness goals.

Imahe mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“Lifestyle. She’s in the beach, less stress and more time to think of her herself and body. Surfing, exercising all the time!” komento ng isa pang netizen.

Marami ang humahanga kay Andi dahil nagawa nitong talikuran ang nakasanayang pamumuhay sa lungsod at ang pagiging aktibong artista.

Loading…