Pagkatapos ng duty, nurse namimigay ng pagkain sa mga homeless person

  • Matapos ang kanyang trabaho, nars nagbigay ng pagkain sa ilang homeless
  • Tinawag siyang “frontliner na, Good Samaritan pa”
  • Bumuhos ang paghanga at pagsaludo sa isang nurse

Hinahanangaan ngayon sa social media ang isang nars na ‘di lang frontliner kundi Good Samaritan pa.

Image by Ben Vigo via Facebook

Ayon sa post ni Ben Vigo sa Facebook, makikita ang nars na kagagaling lang sa kanyang trabaho at nakasuot pa ng kanyang uniporme pero minabuting unahin ang pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkain sa mga mamamayang walang matirhan.

Sabi ni Ben, “Kabilang s’ya sa mga bayani nating frontliner na may ginintuang puso. After n’ya sa work sa hospital, namili s’ya ng mga pagkain at pinamigay sa mga homeless person.

“Saludo po kami sa inyo mam, frontliner na, Good Samaritan pa. God bless you.”

Habang ipino-post ang kuwentong ito, nag-trending na ang kuwentong ibinahagi ni Ben dahil sa nakahakot na ang update ng higit 58,000 reaksyon at nasa 39,000 pagbabahagi.

Bumuhos naman ang paghanga at pagsaludo sa nars.

Sabi ng isa, “Nangingibabaw pa rin sa ‘yo ang kagandahang loob na kahit galing sa sarili mong bulsa ay hindi mo pinagdadalawahang inisip na itulong at ipakain sa mga nangangailangan. Saludo. Sana pagpalain ka pa ng ating mahal na Panginoon. Buti na lang at marami parin ang marunong tumulong kahit na sa sariling bulsa.”

Komento naman ng iba, “Ganyan ang totoong may puso‘t damdamin. Matulungin at marunong mang-unawa.”

Tunay ngang mapalad tayo dahil sa kabila ng ating kinakaharap na pagsubok ay marami pa rin ang mga may mabubuting loob at handang tumulong sa kanilang kapwa.

Karagdagan, naging laman din ng balita ang kuwento ng isang nakaunipormeng nars mula Cagayan de Oro na nakunan ng larawan habang kumakain sa may bangketa.

Image by Florencio Galinato Dabbay II via Facebook

Pagbabahagi ng Virtual Pinoy, kagagaling lamang noon ni Desiree Dinero mula sa kanyang 12-oras na duty nang maramdaman niya ang gutom.

Kaya’t pumunta siya sa isang fastfood restaurant ngunit napag-alaman niyang hindi na sila nago-offer ng dine-in dahil sa kakulangan ng tauhan. Dahil dito, minabuti na lamang ni Desiree ang mag-take-out at kainin ito sa may bangketa.

Maraming salamat sa inyong sakripisyo, mga minamahal naming frontliner.

Image by Ben Vigo via Facebook

Loading…