Pagkatapos ng menudo: Primetime queen Marian Rivera, nagluto at namigay ng spaghetti para sa mga frontliners

  • Isang espesyal na meryenda naman ang hinandog ni Marian Rivera sa mga frontliners
  • Nagluto ang primetime queen ng spaghetti para sa ilang health workers ng UP-NIH at NCMH
  • Nauna nang namahagi si Marian ng kanyang espesyal na menudo sa frontliners noong Abril 1

Dumaragsa pa rin ang tulong mula sa mga kilalang personalidad sa panahon ng enhanced community quarantine (ECQ). Mayroong mga tumutulong sa mga kababayan nating wala nang makain, habang ang ilan naman ay hindi nakalilimutan ang magbahagi sa mga frontliners.

Isa sa mga patuloy na tumutulong ay ang GMA Primetime queen na si Marian Rivera. Kung kamakailan ay ang espesyal na menudo ni Marian ang ibinigay niya sa mga frontliners, isang espesyal na meryenda naman ang handog ngayon ng misis ni Dingdong Dantes para sa mga health workers.

Larawan mula sa Instagram post ni Marian Rivera

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Marian ang kanyang ipinamigay na spaghetti na siya mismo ang naghanda.

Ayon kay Marian, ang mga food packs na ito ay ipinamahagi nila sa University of the Philippines- National Institute for Health (UP-NIH) at sa National Center for Mental Health (NCMH).

Makikita sa post ang larawan ng boxes ng spaghetti at Ioaf ng tinapay mula sa brand na ineendorso ni Marian. Inihayag din ng celebrity mom na hiling niya ay manatiling malusog at malakas ang ating mga frontliners hanggang mapagtagumpayan natin ang pandemic na ito.

“Another special day in the kitchen as I prepare some snacks for our frontliners at the UP-NIH and National Center for Mental Health. Hope you’ll enjoy this meal I made for you. Stay strong and healthy. Maraming salamat sa inyo!” pahayag ni Marian sa kanyang trending post.

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa higit 253,000 likes ang nakuha ng post ni Marian. Maraming fans niya ang nagpasalamat sa patuloy na kabutihan ng mag-asawang primetime royalty sa mga frontliners.

Larawan mula sa Instagram post ni Marian Rivera

Nagkomento rin ang kumare ni Marian at kaibigang si Angel Locsin at pinuri ang pagtulong ng Kapuso star. Ngunit ibinalik ni Marian kay Angel ang papuri dahil mas kahanga-hanga raw ang ginagawa nitong malawakang pagtulong sa mga kababayan natin.

Ayon din sa ilang fans ni Marian, sana raw ay magsilbing inspirasyon sa marami ang pagtulong ng mga celebrity sa iba upang magbigay din ng ayuda sa kapuwa, lalo na iyong mga nakaaangat-angat sa buhay.

Loading…