Pagpasok ng mga produkto sa pantalan ng Maynila posibleng mahinto dahil puno na ang container yards

  • Pagpasok ng mga produkto sa pantalan ng Maynila, posibleng matigil dahil halos puno na ang container yard
  • Kabilang sa mga produktong apektado ay ang mga medical supplies na gagamitin ng mga health frontliners
  • Plano ng pamahalaan na ideklarang “abandoned” at maaaring kumpiskahin ang mga overstaying foreign shipments sa MICT

Libo-libong mga container vans ng mga kargamento ang naka-tengga sa mga container yards sa Maynila at halos hindi na makapasok ang mga dumarating na mga produkto dahil wala nang espasyong mapaglalagyan.

Imahe mula sa DOTr

Kabilang sa mga produktong naaantala ay ang mga medical supplies na gagamitin ng mga health frontliners.

Ayon kay Philippine Ports Authority General Manager Jay Daniel R. Santiago, posibleng mag-shutdown ang operasyon ng mga pantalan kung hindi kukunin at ilalabas ng mga cargo owners at consignees ang kanilang mga kargamento.

Aniya, ang yard utilization ng Manila international ports na kinabibilangan ng Manila International Container Terminal (MICT) at Manila South Harbor ay halos 100% full dahil hindi nailalabas o nawi-withdraw ang mga kargamento simula nang ideklara ang enhanced community quarantine.

“Ports, specifically the Manila ports, are the lungs of the country’s commerce and trade. These lungs right now are not functioning efficiently due to congestion,” pahayag ni Santiago

“If we continue to ignore calls to withdraw even only those cleared, ready for delivery, and overstaying cargoes, these lungs are in danger of total collapse, resulting in full-blown port congestion, or worst, a shutdown, and consequently a shortage in the much needed  goods and supplies which are expected to address the demands of the market,” paliwanag pa niya.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Pakiusap naman ng mga truckers at cargo owners ay huwag sila ang sisihin sa port congestion na nangyayari.

“Sana ma-consider naman nila na we are in a situation na may abnormality because of the COVID.Hindi rin kasalanan ng mga cargo owner, ng mga broker, na hindi kami maka-pullout because nga may slowdown ng lahat ng process,” sabi ni Mary Zapata, ang external vice president ng Confederation of Truckers Association of the Philippines.

Samantala, plano ng pamahalaan na ideklarang “abandoned” at maaaring kumpiskahin ang mga overstaying foreign shipments sa MICT.

Imahe mula sa PPA

Mayroong proposed Joint Memorandum Circular sa pagitan ng Department of Transportation, Bureau of Customs, Department of Trade and Industry at Department of Agriculture upang lumuwag ang container yard.

Sa ilalim nito, bibigyan ng limang araw ang mga consignees na alisin ang kargamento nila na mahigit 30 days na sa MICT. Ang mga consignees naman ng mga kargamento na wala pang 30 days sa container yard at ang mga parating pa lang ay bibigyan ng 10 days para i-withdraw ang kanilang mga cargo.

Source :

ABS-CBN, PPA

Loading…