Pakikiramay para sa 30 anyos na COVID hero, bumuhos

Imahe mula sa Facebook | LoveYourself Inc
  • Marami ang nanghinayang sa 30 anyos na doktor na pumanaw dahil sa COVID-19
  • Bukod sa pagiging frontliner, kilala rin siya bilang HIV advocate
  • Mananatili raw ang doktor sa alaala ng mga kasamahan sa isang NGO hindi lamang bilang isang doktor kundi bilang isang mabuting kaibigan

Bumuhos ang pakikiramay para sa mga kaanak ng isa na namang doktor na pumanaw dahil sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook | LoveYourself Inc

Kinilala siyang si Dr. Wilbur Jan Robert Demafiles, 30 anyos, isa sa mga frontliner sa kinahaharap na pandemic sa bansa at isa ring HIV advocate.

Sa kanilang Facebook post, sinabi ng NGO na LoveYourself Inc. na ipinagluluksa nila ang pagpanaw ni Dr. Demafiles na isa sa mga volunteer at ambassador doctors sa kanilang Hot Doctors of Pinas National HIV Testing Day noong 2018.

“We remember him for his enthusiasm and commitment to use his role as a medical practitioner to help out in our advocacy campaigns,” anila sa isang post sa Facebook. “We honor his memory by recognizing his dedication as a remarkable frontliner doctor in the face of COVID-19, being a community advocate, and a good friend to many of our volunteers and members.”

Hiniling din nila ang panalangin para sa yuma0ng doktor.

Imahe mula sa Facebook | LoveYourself Inc

Sa comment section ng kanilang post ay bumuhos ang pasasalamat, panalangin at pakikiramay para sa kaniyang mga mahal sa buhay.

“He is a hero. We don’t know him personally and maybe we’ll forget his face someday but his memories as savior of many COVID patients will remain in their hearts,” sabi ni Vince E.

“Thank you for serving the people. May our good Lord embrace you and welcome you in His loving arms. May God bless your family and make them strong during this time of your loss. Rest in peace,” komento naman ni Arian Thess.

Ang ilan naman ay nanghinayang dahil bata pa ang doktor at marami pa raw sana itong maaaring gawin. “Still young and a very promising one… I do not know you personally but I want to salute you, our country’s hero,” sabi naman ni E. Macatiag.

 

Loading…