Palengke sa Dagupan City sumusunod sa physical distancing; mayroong linyang itinalaga para sa street vendors

  • Trending sa social media ang isang pamilihan mula sa Dagupan City, Pangasinan
  • Mahigpit kasing ipinatutupad sa pamilihan ang social o physical distancing
  • May linya ang bawat stall na maaari nilang okupahin na may higit isang metro ang layo sa bawat isa

Tuloy ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa lalawigan ng Pangasinan. Kasama ang probinsya sa ilang bahagi ng bansa na magpapatuloy ang lockdown hanggang sa ika-15 ng Mayo. Dahil dito, patuloy ang pagpapatupad ng mga programa at kautusan upang makaiwas sa lalong pagkalat ng C0VID-19.

At isa sa mga pinakabagong ipinatutupad sa Dagupan City, Pangasinan ay ang mahigpit na social distancing sa mga pamilihan. Ibinahagi ng Facebook page ng Public Information Office – Dagupan City ang larawan ng maayos na pagtitinda sa isang palengke sa kahabaan ng Galvan Street.

Laarwan mula sa ng Public Information Office – Dagupan City

Ayon sa post, 1.5 meters daw dapat ang layo ng mga vendor sa isa’t isa. Kaya naman ang mga street vendor ay nilagyan na ng mga linyang maaari lamang nilang okupahin at maging malayo ang agwat sa ibang nagtitinda.

Sama-sama raw sa pagpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Dagupan, PNP, at iba pang ahensiya sa lungsod upang maayos na maipatupad ang pagkakahiwa-hiwalay ng mga nagtitinda. Dagdag daw ito sa kanilang preventive measures na ipinatutupad simula nang mag-lockdown.

Dagdag pa ng post, simula noong Marso raw ay mahigpit na ang pagpapatupad ng seguridad sa mga pamilihan. Istriktong ipinatutupad ang no face mask, no entry policy kasabay pa ang pagsuri sa temperatura ng bibili at pagdaan sa mga disinfecti0n tents.

“Vendors along Galvan St. are spaced 1.5 meters apart in observance of the city government’s social and physical distancing rules. The layout was implemented by the city’s Market Division, Anti-Hawking Group, Dagupan City PNP and City Engineer’s Office in compliance with Mayor Brian Lim’s order to strictly enforce quarantine rules to stem the spread of the C0VID-19 virus in the city,” saad ng post.

Laarwan mula sa ng Public Information Office – Dagupan City

Dahil dito, agad na nag-viral ang post ng Dagupan PIO. Wala pang isang oras na naka-upload ang larawan ay nagkamit na ito ng 2,000 reactions, 200 comments, at 800 shares. Marami ang natuwa dahil masisiguro daw nito ang social distancing na mahalaga sa panahon ngayon.

Kamakailan, napabalita rin ang ganitong istilo ng palengke sa bansang Myanmar. Tulad ng nasa Dagupan, may linya rin sa sahig na indikasyon ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga stalls sa palengke.

Source :

Facebook, DF News

Loading…