Pamahalaan naghahanap ng mga barko, hotel na magagamit bilang quarantine facilities

  • Naghahanap ang pamahalaan ng mga barko at hotel na maaaring magamit bilang quarantine facilities
  • Ang DOTr ang naatasang humanap ng mga barko at ang DOT naman ang para sa mga hotel
  • Ang DOH Centers for Health Development, DILG regional offices at LGU officials ang magmamando sa mga quarantine facilities

Inatasan ng pamahalaan ang iba’t ibang ahensya upang humanap ng mga quarantine facilities – sa lupa at sa dagat – na magagamit sa COVID-19 crisis.

Imahe mula sa PH Navy/Mayor Vico Sotto

Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang spokesman ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na ang Department of Transportation (DOTr) ang naatasang manguna sa paghahanap ng mga barko na magsisilbing “floating quarantine centers.”

Ang DOTr ay maghahanap ng mga barko na puwedeng gamitin bilang mga quarantine centers,” sabi ni Nograles.

Sa mga barko dadalhin ang mga potential COVID-19 cases at ang mga pasyenteng may mild symptoms. Kailangang aprubado ng Department of Health (DOH) ang mga mapipiling barko.

Ang Department of Tourism naman ang itinalaga na maghanap ng mga hotel at iba pang katulad na establisimyento. Ang Bureau of Quarantine naman ang gagawa ng assessment kung akmang gamitin bilang quarantine area ang mga mapipiling establisimyento.

“Ang DOT naman ang maghahanap ng mga hotel sa iba’t-ibang region ng bansa na pwedeng gamitin bilang quarantine facilities,” ani Nograles.

Screenshot mula sa video ng Inquirer

Ayon pa sa kanya, ang Department of Public Works and Highways naman ang nangangasiwa sa mga trabaho para ma-convert ang Philippine International Convention Center at World Trade Center sa Pasay, ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila para maging “fully functional” facilities para ma-decongest ang mga ospital.

Ang mga kawani ng DOH Centers for Health Development, Department of Interior and Local Government regional offices at ang mga opisyal ng Local Government Units ang magmamando sa mga quarantine facilities.

Dahil sa kakulangan ng pasilidad sa mga pagamutan, nauna nang napagdesisyunan ng DOH na mag-self-quarantine na lang muna ang mga pinagsususpetsahang kinapitan ng coronavirus at ang mga pasyenteng may mild symptoms.

Loading…