Pamilya, may nakaaantig na video call kasama ang COVID positive na inang walang malay

Imahe mula sa GMA News | Eva Talosig
  • Naging mas mahirap ang sitwasyon ngayon ng isang pamilya na magkakalayo sa isa’t isa
  • Walang malay ngayon ang COVID-19 patient na si Nora Onia sa New York habang ang kaniyang mga anak naman ay nasa Pilipinas at Kuwait
  • Sa tulong ng isang nurse ay nakita nila ang ina sa pamamagitan ng video call

Dagdag pasanin ngayon para sa mga anak ng COVID-19 patient na si Nora Onia na milya milya ang layo nila mula sa isa’t isa.

Imahe mula sa Facebook | Eva Talosig

Mabuti na lamang at tinulungan sila ng isang nurse ng ospital sa New York na makita ang walang malay na ina sa pamamagitan ng video call. Hindi man nakasasagot ang 70 anyos na si Nora ay pinalakas nila ang loob nito.

“I love you, Ma. Laban Ma, laban Ma, please,” maririnig na sinasabi ng emosyonal na magkapatid.

Sinisigurado rin nila sa ina na naroon lamang sila at hihintayin nila itong maka-recover at makalabas ng ospital. “Gumising ka na, Ma! Please, Ma. Nandito lang kami, Ma,” anila sa video na ibinahagi ng Eva Talosig sa Facebook.

Naka-intubate ngayon ang kanilang ina na mahigit 20 araw nang naka-confine. “The fight is agonizingly long. It’s my birthday today and I don’t really ask from God birthday wishes, but this time I will be claiming healing and miracle for Mama,” aniya  sa post na may petsang April 14.

Sa panayam sa GMA News ay sinabi ng bunsong anak ni Nora na si Ramon na mahirap para sa kanila ang sitwasyon ng pamilya ngayon lalo na at nasa Pilipinas siya habang kapatid naman niyang nurse ay nagtatrabaho ngayon sa Kuwait. Ang kanilang ama naman ay naka-quarantine ngayon sa kanilang bahay.

Imahe mula sa Facebook | Eva Talosig

“Nakalulungkot na nanay po namin yun eh, na hindi namin siya makasama. Hindi namin siya mayakap or mahawakan. Napakalayo niya. Even if malapit, hindi po puwede,” aniya.

Malaking bagay para sa kanila ang masulyapan ang ina kahit sa pamamagitan ng video call dahil napansin nila na gumanda ang paghinga nito matapos nilang mag-usap.

Pangako ng anak na kapag nakalabas na ang kaniyang ina ay pauuwiin na nila ito sa bansa upang makapagpahinga at makapiling niya.

“Once she’s out of the hospital kailangan na pong umuwi ni mama rito. Sabi ko naman sa kanila matanda na kayo so stop working and we have to start living and we are going to take care of you here,” aniya.

Loading…