Pamilya ng C0VID-19 patient, humihingi ng tulong kay Pres Duterte matapos makatanggap ng P1.44M hospital bill

  • Humihingi ng tulong ang pamilya ng isang COVID-19 patient matapos nilang makatanggap ng P1.44 milyon na halaga ng bill mula sa ospital na kanilang pinagpapagamutan
  • Una nang inanunsiyo ni PhilHealth President Ricardo Morales noong March 26 na makaaasa ng tulong mula sa ahensiya ang mga miyembro nito partikular na ang mga tatamaan ng sakit
  • Subalit sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi umano ng kaanak ng isang C0VID-19 patient na umaabot lamang sa P46,000 ang kayang sagutin ng ahensiya sa ngayon batay sa impormasyon na ibinigay sa kaniya ng isang PhilHealth representative

Nanawagan ng tulong pinansiyal ang pamilya ng isang C0VID-19 patient kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos nilang makatanggap ng P1.44 milyong halaga ng bill mula sa ospital na kanilang pinagpapagamutan sa ngayon.

Imahe mula sa PCOO

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi umano ng kaanak ng isang pasyente na umaabot lamang sa P46,000 ang halaga na kayang sagutan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), batay na rin sa mensahe ng isa sa mga nakausap nitong representative ng ahensiya.

“Ang direction ng mga news ay kapag C0VID-19 patient, dapat wala nang sasagutin. Kasi nasa ICU pa rin yung dad ko. At least para hindi na namin isipin yung e0xpenses kasi what if maka-recover siya in the next two days tapos ganon na yung bill, baka ma-hold pa si father bago pa siya makalabas,” ayon sa anak ng pasyente na kinilalang si Joseph.

Pagpapatuloy niya, “Nag-reach ako through PhilHealth sa hospital. Wala pa rin daw talagang direction sa kanila.”

Ayon kay Joseph, P46,000 pa rin ang kayang sagutin ng ahensiya para sa medical expenses ng kaniyang ama.

Binubuo ito ng P32,000 coverage para sa pneumonia at P14,000 naman para sa isolation room.

Matatandaan na una nang inanunsiyo ni PhilHealth President Ricardo Morales sa isang televised briefing noong March 26 na makakaasa ng tulong mula sa ahensiya ang mga miyembro nito partikular na ang mga tatamaan ng C0VID-19.

Kabilang rin sa mga direktiba mula sa Republict Act 11469 o “Bayanihan to Heal as One Act” ang pagtulong ng National Health Insurance Program of the Philippine Health Insurance Corporation para sa pagpapagamot ng mga tinamaan ng bagong coronavirus.

Imahe mula sa PhilHealth

Nagpahayag naman ng pagsuporta si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa pamilya Mercado.

“This is provided by the government as a means of assisting those who are stricken by the illness. Being a new infectious disease, it is understandable that specialized treatment is needed and that as part of government’s obligation to protect the people from public health threats, assisting those who acquire the infectious disease becomes part of the government’s duty to address the threat,” aniya.

Dagdag pa ni Biazon, “Therefore, helping the patients bear the cost of treatment is justifiable.”

Loading…