Panalangin bumuhos para sa 26 anyos na doktor na kritikal sa COVID-19

Imahe mula sa Facebook | Rj Palad
  • Bumuhos ang dasal para sa isang 26 anyos na doktor na isa sa mga resident doctors ng UST Hospital
  • Kritikal ang lagay nito dahil sa COVID-19 at naka-intubate din
  • Panalangin ng mga netizens, nawa ay gumaling ang lahat ng tinamaan ng sakit, lalo na ang mga frontliners na nagsisilbi sa mga mamamayan

Panalangin ang hiling ng kaanak ng 26 anyos na doktor na isa sa mga nagsisilbing frontliners sa laban ng bansa sa COVID-19.

Imahe mula sa Facebook

Sa isang Facebook post ay humiling si Rj Palad, nagpakilalang pinsan ni Dra. Carmina Fuentebella, ng dasal para rito.

“If it is not too much to ask, kindly include my cousin in your prayers,” aniya.

“You are a blessing to everyone around you. Keep on fighting. The whole family and so many friends are praying for you.”

Maging ang aktres na si Marian Rivera ay nag-repost ng panalangin para sa batang doktora sa kaniyang opisyal na Facebook page. “Pagdasal po natin siya. At least just say, ‘Jesus please heal Dra. Carmina Fuentebella. We need her,'” saad sa post na orihinal na ibinahagi ni Dr. R. Mata.

Imahe mula sa Facebook | Rj Palad

Ayon dito, naka-intubate at nasa kritikal na kondisyon ngayon si Dra. Fuentebella na isang resident doctor ng UST Hospital.

Bumuhos naman ang panalangin para sa kaniyang kagalingan.

“Jesus, heal the doctors, especially Dra. Carmina Fuentebella and all the doctors and frontliners and all who are sick and fighting for COVID-19. We lift them up to you, please touch them with your healing hands,” panalangin ni Love V.

“Lord, please heal Dra. Carmina Fuentabella who is critically ill. Restore her good health so that she may continue serving You and her fellowmen who are also sick. You are the Divine Healer and the Greatest Physician and I believe that nothing is impossible with you,” komento naman ni Edna V.

Loading…