Pang. Duterte hindi pipigilan ang mga nurse na gustong magtungo sa Amerika

  • Amerika, sinusuyo ang mga Pinoy nurses upang magtungo roon laban sa COVID-19
  • Sinabi ni Pangulong Duterte na inaalok ng Amerika ang mga Pinoy nurses ng mataas na suweldo at mabilis na Visa processing upang madagdagan ang manpower nito sa health crisis
  • Hindi sinisisi ng Pangulo ang Pinoy nurses na tutugon sa panawagan ng Amerika at doon magsilbi dahil sa malaking suweldong inaalok

Dagdag sa problema ng Pilipinas sa kinahaharap na health crisis ang Amerika dahil sa ginagawa nitong panunuyo sa mga Pinoy nurses na magtungo roon para matugunan ang kakulangan nito sa mga health workers laban sa coronavirus disease, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Screenshot mula sa video ng RTVM

Sa kanyang televised public address noong Lunes, ika-13 ng Abril, sinabi ng Pangulo na inaalok ng Amerika ang mga Filipino nurses ng mataas na suweldo at mabilis na pagproseso ng Visa upang madagdagan ang manpower nito sa pakikibaka sa COVID-19.

Aniya, dahil sa ginagawa ng Amerika ay nababawasan ang health workers ng Pilipinas na tumutugon sa pandemic. Ang dapat daw ay umasa ang Amerika sa sariling human resource nito.

“Ang problema itong Amerikano, you could have relied on your own human resource. Ibig sabihin dapat kayo umasa sana sa sariling tao ninyo. Eh, ngayon kinukuha, kinakaltasan mo ang Pilipinas. Pagdating ng panahon magkulang, ah sorry na lang tayo,” pahayag ng Pangulo.

Hindi naman sinisisi ni Pangulong Duterte ang mga Pinoy nurses na tutugon sa panawagan ng Amerika at doon manilbihan dahil sa malaking suweldo na inaalok sa kanila.

Imahe mula sa Maimonides Madical Center

“But, I cannot… hindi ko sinisisi, hindi ako galit, wala akong emotions about this. But kung gusto ninyong, kayong mga nurse, kung gusto nibyo magsilbi sa ibang bayan, sa ibang tao, okay lang sa akin,” aniya.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 582,431 confirmed COVID-19 cases sa Amerika at umabot na sa 23,647 ang hindi nakaligtas.

Loading…