Pangakong napako? SSS members nagrereklamo na dahil ‘di pa rin makapag-apply ng calamity loan

  • Kinakalampag na ng mga miyembro ang SSS dahil hindi pa rin ipinatutupad ang calamity loan program
  • Sinabi ng SSS na hindi na matutuloy sa itinakdang petsa ang implementasyon ng calamity loan program
  • Patatapusin muna ang SBWS Program kung saan may ayudang P5,000 -P8,000 ang mga manggagawa ng maliliit na negosyo bago ituloy ang calamity loan program

Noong April 15, 2020 ay nag-anunsyo ang Social Security System (SSS) na may alok itong calamity loan sa mga miyembro nitong naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa SSS

Sinabi noon ni Fernando F. Nicolas, SSS vice president for public affairs and special events, sa isang webinar na ilulunsad ng SSS ang nationwide Calamity Loan Program for COVID-19 sa ika-24 ng Abril.

Sa ilalim ng programa ay maaaring makapag-loan ang miyembro ng P20,000 o ang katumbas ng monthly salary credit.. Sinabi ni Nicolas na naglaan ang SSS ng P20.4 billion para sa mahigit 1.74 million members na inaasahang mangangailangan ng tulong dahil naapektuhan ng pandemic ang kanilang trabaho o kabuhayan.

Upang maiwasan ang pagkukumpulan, ang loan application ay online. Tatanggapin ang aplikasyon sa pamamagitan ng SSS website o SSS mobile app gamit ang MySSS account ng mga miyembro.

Reklamo ng mga members, hindi nila ma-access ang website ng SSS.

Himingi naman ng paumanhin si Nicolas. Aniya,  dahil sa dami ng mga miyembrong gumagamit ng kanilang webite ay nagkaka-aberya ito. Sinabi rin niya na hindi na muna matutuloy sa itinakdang petsa ang implementasyon ng calamity loan program.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Uunahin at patatapusin muna ang Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program kung saan may ayudang P5,000 hanggang P8,000 mula sa pamahalaan ang mga manggagawa ng maliliit na negosyo.

Paliwanag ni Nicolas, ang mga beneficiaries ng SBWS ay ang mga miyembro na nais ding mag-avail ng calamity loan.

“’Yong mag-a-avail doon sa calamity loan namin, ito rin ‘yong beneficiary dito rin sa ating SBWS. Hopefully pagkatapos ng pag-apply ng SBWS, sana sumunod na rin ‘yong calamity loan,” aniya.

Imahe mula sa SSS
Source :

ABS-CBN, YouTube

Loading…