Pangulong Dutrerte nagpahiwatig na magdedeklara ng “modified quarantine”

  • Nagpahiwatig si Pangulong Dutrte na magdedeklara siya ng “modified quarantine”
  • Sa ilalim nito, ang sektor ng lipunan kung saan mapapanatili ang physical distancing ay papayagan nang makalabas ng bahay upang makapasok sa kanilang mga trabaho
  • Binigyang-diin niya na napakahalaga ng pagpapatupad ng physical distancing upang matapos na ang problemang dala ng COVID-19

Nagpahiwatig si Pangulong Rodrigo Duterte na magdedeklara siya ng “modified quarantine.” Sa ilalim nito, ang ilang sektor ng lipunan kung saan mapapanatili pa rin ang physical distancing ay papayagan nang makalabas ng bahay upang makapasok sa kanilang mga trabaho.

Screenshot mula sa RTVM video

“We might open partially. You wait for the… lalabas na ho… lalabas na ang modified quarantine,” anang Pangulo sa kanyang televised public address noong Lunes, ika-27 ng Abril.

“So we will now allow sectors of society na hindi talaga nagdidikit-dikitan,” sabi pa niya.

Binigyang-diin niya na napakahalaga pa rin ang pagpapatupad ng physical distancing upang matapos na ang problemang dala ng COVID-19.

“Ang problema nito kung, kaya modified muna, kasi kung magsiksikan kayo diyan sa LRT na naman, wala nang katapusan itong problema natin. It will never end,” paliwanag ng Pangulo.

Sa unang bahagi ng kanyang public address, sinabi ni Pangulong Duterte na sa mga komunidad na ilalagay sa ilalim ng general community quarantine (GCQ), responsibilidad umano ng mga pribadong kumpanya na siguruhin ang kaligtasan ng kanilang mga mangagawa.

Imahe mula sa CDODev

Inaasahan umano na bibigyan ng face masks ang mga empleyado at magsasagawa sila ng sanitation sa kani-kanilang establisimyento.

“Not immaculately clean, but just sanitize it for COVID not to thrive, endangering your employees,” aniya.

Inihahanda na rin daw ang mga plano para sa pagbubukas ng transportasyon sa mga lugar sa ilalim ng GCQ.

Kamakailan lang, idineklara ni Pangulong Duterte na ang Metro Manila, CALABARZON, Region III, Pangasinan, Benguet, Mindoro Island, Albay at Camarines Sur ay mananatili sa ilalim ng enhanced community quarantine hanggang sa ika-15 ng Mayo.

Imahe mula sa EarthShaker
Source :

Inquirer, Spin

Loading…