Para hindi mahawahan ng COVID-19: Maiksing work shifts para sa health frontliners sinisilip ng DOH

  • Kinukonsidera ng DOH na iksian ang working hours ng healthcare frontliners ng bansa
  • Ito ay upang mabigyan sila ng sapat na pahinga at mabawasan ang exposure nila sa COVID-19
  • Thirteen percent ng total infections sa bansa ay mga health workers, samantalang sa ibang panig ng Western Pacific Region ay 2% hanggang 3% lang

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) na mabigyan ng mas maiksing working hours ang mga health care workers bilang bahagi ng mga hakbang upang mapigil ang pagkalat ng coronavirus disease sa hanay ng mga doktor, nurses at iba pang health frontliners.

Imahe mula sa DOH

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na binabalak ng DOH na iksian ang working hours ng mga healthcare workers batay sa rekomendasyon ng mga Chinese medical experts na bumisita sa bansa kamakailan lang.

Sa pagpapaiksi ng work shifts ay magkakaroon ng sapat na pahinga at mababawasan ang exposure ng health workers sa coronavirus.

“Some of our health workers are on duty for 24 hours and hope to be able to shorten their shifting so they could have enough rest and lessen their exposure and cut the possible transmission in hospitals,” ani Usec. Vergeire

Matatandaang nagpahayag ng pagkabalisa para sa Pilipinas ang World Health Organization dahil mas maraming healthcare workers sa bansa ang nahahawahan ng COVID-19 kumpara sa ibang bansa sa Western Pacific Region.

Thirteen percent ng total infections sa bansa ay mga health workers, samantalang sa ibang panig ng rehiyon ay 2% hanggang 3% lang.

Imahe mula sa DOH

Batay sa datos ng DOH, umabot na 1,062 health workers sa Pilipinas ang nagpositibo sa COVID-19.

Pinasinungalingan ni Vergeire na ang kakulangan sa personal protective equipment ang dahilan ng mataas na bilang ng health frontliners sa bansa ang tinamaan ng COVID-19.

Ipinaliwanag niya na karamihan sa mga health professionals na na-expose sa COVID-19 infection ay sa dahilang inilihim o hindi nagawang sabihin ng pasyente ang kanilang travel history at naunang exposure sa coronavirus.

Imahe mula sa DOH

Loading…