Para sa mga Pinoy, ‘di na gaanong problema ang ulam dahil kanin lang sapat na

  • Karamihan sa mga Pinoy ay solb na sa kanin kahit walang ulam
  • Masarap para sa mga Pinoy ang toyo at mantika, maging ang mantika at asin na pansahog sa kanin
  • Katakam-takam ding pansahog sa kanin ang sibuyas at bagoong, pati na rin ang bagoong na may sili at kalamansi

Pinoproblema mo ba kung ano ang iyong uulamin mamaya dahil sa wala ka nang imbak at kanin na lamang ang natitira? No worries dahil madiskarte ang mga Pinoy.

Image by Magsasaka Mabuhay Ka via Facebook

Ngayong nasa ilalim tayo ng enhanced community quarantine, muling bumabalik ang mga pagkain at diskarteng kinamulatan ng marami sa atin para maitawid ang isang kainan.

Sanay naman na kasi ang mga Pinoy sa simpleng pamumuhay. Hindi mapili sa maihahain. ‘Yung magkakasama lamang ang buong pamilya at sama-samang pagsaluhan kung ano man ang maihahain sa hapag-kainan ay sapat na.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ng Magsasaka Mabuhay Ka sa Facebook ang mga “putaheng” tiyak na paborito ng maraming Pilipino dahil sa nagpapakita ito ng pagiging madiskarte upang maging malinamnam pa rin ang kanin kahit walang ulam.

Makikita sa larawang ibinahagi ang kanin na mayroong toyo at mantika. Mayroon ding kanin na dinagdagan ng asin at mantika, masarap din ang sibuyas at bagoong na maihahalo sa kanin. At katakam-takam na bagoong na may halong sili’t kalamansi.

Kapsyon ng post, “Kahit walang ulam ka-Magsasaka Mabuhay Ka. Ang importante, may kanin.”

Agad nag-trending ang update. Habang ipino-post ito ay nakalikom na ng mahigit 1,200 reaksyon at nasa 445 pagbabahagi ang update.

Sinariwa naman ng ilang social media users ang masasaya nilang karanasan sa mga pagkaing ito.

Komento ng isang netizen, “OK na ulam ‘yan. Pantawid gutom din basta ang mahalaga, may kanin.”

Sabi naman ng iba, “Kapag galing ka sa bukid at uulam ka ng bagoong, ang sarap na ng kainan hehe.”

Sabi naman ng isa pa, “Kanin, bagoong at manalangin ng pasasalamat sa Panginoong Diyos, busog ka na.”

Image by Magsasaka Mabuhay Ka via Facebook

Dagdag pang komento, “Anumang biyaya na nasa hapag, dapat pasalamatan dahil ang iba ay kahit ganyan, I Praise God, hindi nagugutom.”

Tunay ngang marami pa rin tayong dapat ipagpasalamat sa Panginoon. Diskarte lang, kaya natin ito!

Image by Magsasaka Mabuhay Ka via Facebook
Source :

Facebook

Loading…