Pari mula sa Malolos Cathedral, may kakaibang paraan ng pagbibigay ng sermon sa mga Katoliko

  • Patuloy na nagdaraos ang Malolos Cathedral ng misa sa pamamagitan ng online live streaming
  • Hinangaan naman sa social media ang isang pari mula sa nasabing simbahan dahil sa kakaibang paraan nito ng pagsesermon tungkol sa mga aral ng bibliya
  • Marami ang aminadong naaaliw at natututo sa sermon ni Rev Fr. Joseph Fidel Roura dahil sa paggamit nito ng mga salita na naiintindihan ng mga kabataan

Dahil sa patuloy na pagpapairal ng enhanced community quarantine sa Luzon, maraming simbahan ang hindi muna pinapayagang magdaos ng misa lalo na kung hindi nito maipatutupad ang utos ng nasyunal na pamahalaan tungkol sa proper social distancing.

Imahe mula sa Facebook video ni Rev. Fr. Joseph Fidel Roura

Sa Facebook, hinangaan naman ang isang pari dahil sa kakaibang paraan nito ng pagbibigay ng sermon sa mga Katoliko tungkol sa aral na nakapaloob sa bibliya.

Kinilala ang pari na si Rev. Fr. Joseph Fidel Roura mula sa Malolos Cathedral.

Sa Facebook page ng nasabing pari, mapapanood ang mga nakalipas na livestream video ng homily nito na talaga namang kinaaaliwan ng maraming netizens.

Sa katunayan, umabot na sa higit 860,000 views ang isang video ni Fr. Roura noong April 12 dahil sa paggamit niya ng linya mula sa anime at pamilyar na background music na kadalasang ginagamit sa mga TikTok video.

“Akala ni satanas ay nagtagumpay siya pero… Watch til the end,” sabi nito sa caption ng post.

Marami ang natuwa sa kaniya dahil bukod sa puno ng aral ang mensahe ng pari, gumamit ito ng mga salitang mas madaling maunawaan at maka-relate ang mga kabataan.

Maliban sa dami ng views, umabot na rin sa higit 38,000 reactions ang natanggap ng video habang may higit 31,000 shares naman ito sa Facebook.

Ipinahayag ng ilang netizens ang kanilang paghanga sa pari sa pamamagitan ng pag-iwan ng mga positibong reaksiyon sa comment section.

Expectation vs Reality ng demonyo sa pagkamatay ni Kristo.

Akala ni satanas ay nagtagumpay siya.. pero …..Watch til the end ?Link for the full homily: https://youtu.be/Psk16HjBWnA#happyeaster #theLordisrisen #eastersunday #eastermonday #goodvibesvideo #memes

Posted by Rev. Fr. Joseph Fidel Roura on Sunday, April 12, 2020

“Inaabangan ko ang mass ni Father every Sunday. It’s been a while since your last mass sa Marilao, Bulacan. Glad to hear your homily again. Very inspiring. More way to go. Keep safe and well Father,” sabi ni RCS.

“God is good all the time. Great homily! Yung seryoso kang nakikinig sa homily niyo Father tapos mapanood at maririnig yung video with sound na pampagising at mapapaindak ka pa,” ani ACC.

“Enjoy ka talaga magbigay ng homily, Fr. Fidel. Pampa-good vibes sa ganitong panahon,” sabi naman ni NM.

Source :

Facebook

Loading…