
- Nagpaalala ang Malacañang at DILG sa mga lokal na opisyal at ka
pulisan na ang parusa sa ECQ violators ay hindi dapat labag sa karapatang pantao - Sinabi ng DILG na hindi dapat humantong sa pagmamaltrato ang parusang ipinapataw
- Pinaalalahanan din ang mga violators na ang ginagawa nilang pagsuway ay labag sa karapatang mabu
hay ng mga tao
Nagbigay ng paalala ang Malacañang Palace sa mga local officials na ang kaparusahan na ipinapataw sa mga lumalabag sa alituntunin ng enhanced community quarantine ay dapat na naaayon sa batas at hindi lumalabag sa karapatang pantao ng violators.

Sabi ni Presidential Spokesman at tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF) na si Harry Roque, sa pagpapataw ng parusa, dapat na respetuhin ng mga lokal na opisyal ang mga karapatan ng volators.
“Bagama’t walang nakapataw na talagang parusa doon sa mga lalabag sa ECQ, natural ito’y kinakailangang sang-ayon sa saligang batas at kinakailangan ito’y proportional doon sa objectives ng ECQ na pabagalin nga ang pagkalat ng COVID-19,” ani Roque .
Ganito rin ang sinabi ni Department of Interior and Local Government Secretary Secretary Eduardo Año. Aniya, hindi dapat humantong sa pagmamaltrato at paglabag ng human rights ang parusang ipinapataw sa mga lumabag sa ECQ.
“Hindi naman ibig sabihin ay i-violate mo ‘yung kanyang human rights o kaya ima-maltrato mo sila,” anang kalihim.
Batay sa datos ng Philippine National Police, mahigit isandaang libo na ang mga nahuling lumabag sa ECQ. Nasa 200 naman ang reklamong paglabag sa human rights ang naisampa sa Human Rights Commission.

Iba-iba ang pamamaraan ng pagbibigay ng parusa sa iba-ibang komunidad at ang ilan sa mga ito ay umani ng mga pambabatikos.
Nito lang unang bahagi ng Abril ay may mga miyembro ng LGBT community ang pinagsayaw at inutusang maghalikan matapos lumabag sa curfew. Mayroong pinag-push up at may mga ipinasok pa sa kulungan ng aso.

Pinaalalahanan din naman ni Harry Roque ang mga lumalabag sa ECQ. Aniya, layunin ng ECQ na protektahan ang buhay ng mga tao laban sa COVID-19.
Sabi niya, “Karapatang pantao din ang karapatang mabuhay at habang nilalabag natin ang ECQ, eh nagiging banta din tayo sa karapatang mabuhay ng ating kababayan.”