Pastor hinuli matapos magsagawa ng church service na dinaluhan ng mahigit 500 miyembro

  • Pastor sa Cagayan De Oro hinuli sa pagsasagawa ng church service sa gitna ng ipinatutupad na city-wide community quarantine
  • Mahigit 500 katao ang dumalo sa religious event na ginawa sa loob ng isang lumang sinehan
  • Ipinasara ng city government ang simbahan ng The Word of God Spirit and Life Ministries, Inc

Hinuli ng mga awtoridad ang isang pastor sa Cagayan De Oro City matapos itong magsagawa ng isang religious gathering sa isang lokal na sinehan sa lungsod na dinaluhan ng humigit-kumulang 500 members ng The Word of God Spirit and Life Ministries, Inc.

Imahe mula sa CDO RCB

Ayon kay Antonio Resma, Jr., hepe ng Cagayan de Oro Regulatory Compliance Board (RCB), pinangunahan umano ng pastor na kinilalang si Alfred B. Caslam, 58 anyos, ang religious event noong Linggo, ika-5 ng Abril, sa loob ng Rizal Theater sa Capistrano Street sa naturang lungsod.

Ginawa ni Pastor Caslam ang church service sa gitna ng ipinatutupad na city-wide community quarantine upang maiwasang kumalat ang novel coronavirus. Lumabag din umano ang mga miyembro ng nasabing ministry sa social distancing protocol dahil sa pagsisiksikan sa loob ng lumang sinehan.

“They were crowding themselves inside the old Rizal Theater in violation of the social distancing measures,” pahayag ni Resma.

Hinuli si Pastor Caslam dahil hindi umano niya sinunod ang utos ng mga awtoridad na itigil ang religious event. Dinala siya sa presinto upang masampahan ng mga reklamong “disobeying persons of authority” at “non-cooperation during a public health crisis.”

Imahe mula sa CDO RCB

Ikalawang paglabag na umano ito ng pastor sa ipinatutupad na community quarantine sa lungsod simula nang ipag-utos ito ni City Mayor Oscar Moreno noong March 19.

Sabi ni Resma nadatnan nila sa loob ng Rizal Theater ang 495 members ng ministry. Base umano ang bilang sa attendance list na nakuha nila.

Imahe mula sa CDO RCB

“We checked and found the names of 495 members in their attendance list. Many of them have their children with them,” aniya.

Ang nasabing attendance list ay dinala sa City Health Office na magsasagawa ng pagsusuri sa health condition ng mga taong kasama sa listahan.

Ipinasara ng city government ang simbahan ng The Word of God Spirit and Life Ministries, Inc.

Imahe mula sa CDO RCB

Loading…