Pauleen Luna, proud sa asawang si Vic Sotto na matiyagang itinuloy ang Pabasa sa kanilang tahanan

  • Hinahangaan ngayon ang mag-asawag Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna dahil sa kanilang pananampalataya
  • Tuloy ang pagsasagawa nila ng Pabasa kahit dalawa lamang silang nagbabasa ng Pasyon
  • Patuloy ding hinihikayat ng mag-asawa ang kanilang mga Dabarkads na magdasal at magnilay ngayong panahon ng ECQ

Dahil sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) bilang paraan ng pag-iwas sa C0VID-19, maraming tradisyong Pilipino para sa Mahal na Araw ang hindi naisagawa ng mga Pilipino. Kanya-kanyang diskarte na lamang ang ilan kung paano maipakikita at maitutuloy ang mga gawaing may kinalaman sa pagpapakita ng pananampalataya.

Magandang halimbawa nito ang mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na ipinagpatuloy ang tradisyon ng Pabasa sa kanilang tahanan. Ipinagmalaki ni Pauleen ang asawang si Bossing Vic dahil matiyaga raw nitong binabasa ang napakaraming pahina ng Aklat ng Pasyon.

Larawan mula sa Facebook page ni Pauleen Luna-Sotto

Nakagawian na raw talaga nina Pauleen at Bossing ang pagkakaroon ng Pabasa tuwing daraan ang panahon ng Kuwaresma. Ngunit kakaiba nga lang ngayong taon dahil sila-sila lang ang nagsagawa nito dahil sa umiiral na ECQ. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayong taon ay hindi tuloy-tuloy na ginagawa nina Pauleen at Bossing ang pagbabasa. Inuunti-unti nila ang bawat pahina ng Pasyon at halinhinan silang mag-asawa sa pagbabasa.

“Pabasa. Continuing family tradition despite the lockdown. Vic and I take turn every 10-20 pages. Day 2 tomorrow. Around 60 pages left,” pahayag ni Pauleen sa kanyang trending post.

Marami ang humanga sa pagiging magandang ehemplo nina Bossing at Pauleen sa maraming mag-asawa ngayon. Ayon sa mga netizens, hanga raw sila sa personalidad ni Bossing na magiliw na komedyante sa telebisyon at pelikula, ngunit isang maka-Diyos na asawa at ama.

Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 62,000 reactions, 867 comments, at 1,000 shares ang post ni Pauleen. Ibinahagi na rin ito sa Facebook page ng kanilang home station na GMA Network at ng page kanilang pamosong  TV show na  Eat Bulaga.

Larawan mula sa Facebook page ni Pauleen Luna-Sotto

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinamalas nina Pauleen at Bossing ang kanilang matibay na pananampalataya at hikayatin ang kanilang fans na lumapit sa Panginoon lalo na sa mga panahong may krisis na kinahaharapa ang bansa.

Nag-upload rin noon si Pauleen ng video nila ni Bossing na kumakanta ng isang worship song. Nanguna rin sila sa isang online rosary prayer na sinabayan naman ng kanilang mga Dabarkads mula sa Eat Bulaga.

Loading…