PCSO tumatanggap ng online application para sa medical assistance sa Metro Manila

  • PCSO patuloy na naghahatid ng tulong sa mga Pilipinong nangangailangan ng medikal na ayuda
  • Nagsimula nang tumanggap ang ahensya ng online application para sa medical assistance sa mga pasyente sa Metro Manila
  • Tumatanggap din ang PCSO ng outpatient requests para sa dialysis, chemotherapy, hemophilia at post-transplant medicines

Nasa gitna man ng health crisis, hindi tumitigil ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa paghahanap ng paraan upang makapagbigay ng tulong sa mga mamamayang Pilipino.

Imahe mula sa PCSO

Kamakailan, inanunsyo ni PCSO General Manager Royina Garma na bilang pakikiisa sa ipinatutupad ng pamahalaan na enhanced community quarantine, nagsimula na ang ahensya na tumanggap ng online application para sa medical assistance sa Metro Manila.

Upang hindi na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan ang mga kaanak ng pasyente ay nagtalaga ang PCSO ng online access sa Metro Manila upang tumugon sa mga pangangailangan ng mga pasyente gaya ng medical assistance (confinement) at mga outpatient requests tulad ng dialysis, chemotherapy, hemophilia at post-transplant medicines.

“Simula sa Miyerkules, ika-22 ng Abril, ang Philippine Charity Sweepstakes Office-National Capital Region, bilang pakikiisa sa pamahalaan sa pagpaptupad ng enhanced community quarantine ay patuloy na magbibigay ng tulong medikal sa mga pasyente sa Metro Manila sa pamamagitan ng online application,” sabi ng PCSO sa Public Advisory No. 5 nito na naka-post sa Facebook page ng ahensya.

Imahe mula sa PCSO

Ayon pa sa advisory,kailangang mag-log in ang mga nais humingi ng tulong sa official website ng ahensya na www.pcso.gov.ph at pagkatapos ay puntahan ang E-servises at i-click ang NCR Online Application.

“The Agency, adhering and complying to The Bayanihan to Heal As One Act, emphasizes and strengthens this auxiliary role especially in providing healthcare to Filipinos, bearing a part of the weight and augmenting government efforts in these strained and challenging times,” pahayag naman ni GM Garma.

Siniguro ni Garman na tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng ahensya ng medikal na ayuda sa mga nangangailangan kahit umiiral ang ECQ.

Imahe mula sa PCSO
Source :

Facebook, Abante

Loading…