Philippine Red Cross target na makapagsagawa ng 2 million COVID-19 tests sa Metro Manila

  • Target ng Philippine Red Cross na makapagsagawa ng 2 million COVID-19 tests sa Metro Manila
  • Sa ngayon ay kayang magproseso ng 8,000 tests ang laboratoryo ng PRC
  • Ang sinumang nais magpa-test ay kailangang kumuha ng appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa PRC hotline 1158

Nakikipag-unahan sa oras ang Philippine Red Cross (PRC) upang ma-abot ang inisyal nitong target na makapagsagawa ng 2 million COVID-19 tests sa Metro Manila.

Imahe mula sa Pixabay

Target ng PRC na isailalim sa COVID-19 test ang 13 percent ng total population ng National Capital Region, ang itinuturing na epicenter ng coronavirus disease, na mayroong halos 13 million residents.

Sa ngayon, ang PRC ay may dalawang fully operational molecular testing laboratories na may walong polymerase chain reaction machines na kayang magproseso ng hanggang 8,000 COVID-19 tests kada araw. Matatagpuan ito sa PRC headquarters sa Mandaluyong City.

Ayon sa chairman ng PRC na si Senator Richard Gordon, plano nilang magtayo ng dalawampu pang molecular testing labs sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang ang Maynila, Pasay City, Batangas, Cebu, Tacloban, Panay Island, Cagayan de Oro, General Santos at Davao del Sur.

Aniya, plano rin nilang simulan ang operasyon ng isa pang laboratoryo sa Port Area sa Maynila ngayong linggong ito. Kapag nasimulan na ang operasyon nito ay aabot sa 12,000 tests per day ang magiging kapasidad ng PRC.

Imahe mula sa PRC

“Kung tatlo yang laboratories na ‘yan , that’s equivalent to 12,000 tests a day,” pahayag ni Sen. Gordon.

Kamakailan lang ay nakapagkasunduan ang PRC sa PhilHealth na masimulan na ang mass testing sa COVID-19.

Sa ilalim ng kasunduan, aakuin ng PhilHealth ang halaga ng test ng isang indibidwal na may PhilHealth coverage. Nagkakahalaga ito ng P3,500.

Ang sinumang nais magpa-test ay kailangang kumuha ng appointment sa pamamagitan ng pagtawag sa PRC hotline 1158.

Imahe mula sa PRC

“Kaya dumadaan sa 1158 kasi ini-interview muna namin,” paliwanag ni Sen. Gordon.

Ang maaari lang isailalim sa test ay ang mayroong COVID-19 symptoms.

Loading…