Presidential Yacht na BRP Ang Pangulo handa na para sa mga COVID-19 patients

  • Handa na ang Presidential Yacht na tumanggap ng COVID-19 patients
  • Ang yate ng Pangulo ay gagamitin bilang pansamantalang floating quarantine facility
  • Hanggang 28 na pasyente ang maaaring mapagsilbihan ng Presidential Yacht

Handa nang tumanggap ng mga pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease ang Presidential Yacht na BRP Ang Pangulo (ACS-25) matapos itong i-convert bilang isang floating quarantine facility, ayon sa press release ng Philippine Navy (PN).

Imahe mula sa Philippine Navy

Ayon sa pahayag ni PN Public Affairs Office chief Lt. Commander Maria Christina Roxas, ang remodeling ng BRP Ang Pangulo ay agad sinimulan 48 oras matapos ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang Presidential Yacht bilang quarantine facility.

Hanggang 28 patients umano ang maaaring mapagsilbihan ng yate ng Pangulo.

“The remodeling of the ship began within 48 hours following President Rodrigo Duterte’s pronouncement to utilize the ship for patients. Officers and enlisted personnel aboard ACS-25 spearheaded the transformation of the VIP compartments of the ship into Covid-19 dedicated medical ward and patient rooms that can accommodate a total of 28 patients with five medical personnel,” ani Lt. Comm. Roxas.

Tatlong metro ang distansya ng bawat silid na natatabingan ng pansamantalang dibisyon. Magkahiwalay ang access points ng mga pasyente at limang medical staff na nakatalaga sa floating quarantine facility.

Imahe mula sa Philippine Navy

Ang crew ng Presidential Yacht ay mananatiling lulan ng yate habang ginagamit ito ng mga COVID-19 patients, subalit siniguro na nakahiwalay ang kanilang living quarters sa mga silid ng mga pasyente na selyado na.

“They were already provided with PPEs (personal protective equipment) while rapid antibody tests were conducted,” wika ni Lt. Comm. Roxas tungkol sa crew ng yate.

Imahe mula sa Philippine Navy
Source :

PNA, Facebook

Loading…