Publiko hinikayat ng DSWD na i-report ang mga opisyal na lumalabag sa distribution rules ng ayuda

  • Mga LGU officials na lumalabag sa batas ng distribusyon ng SAP dapat i-report ng publiko
  • Gumawa ang DSWD ng “grievance redress system” kung saan maaaring maghain ng reklamo ang publiko laban sa mga nagkamaling local public officials
  • Nangako ang DILG na sususpindehin ang mga opisyal na lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act

Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na i-report ang mga local officials na lumalabag sa batas ng distribusyon ng two-month social amelioration program (SAP) ng pamahalaan para sa low-income families.

Imahe mula sa DSWD

Ipinahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista na gumawa ang ahensya ng “grievance redress system” kung saan maaaring maghain ng reklamo ang publiko laban sa mga nagkamaling local public officials.

“Ito’y isang mekanismo para sa ating mga kababayan na sa tingin nila nakakita sila ng anomalya o iregularidad sa pagbibigay ng SAP, paliwanag ni Sec. Bautista kung ano ang grievance redress system.

Aniya, nangako si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na sususpindehin ang mga local officials na mapatutunayang lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act, na naglaan ng P200 billion halaga ng cash aid na ipamamahagi sa 18 million low-income households.

“Kaya palaging panawagan ko sa ating mga kababayan, na sana mag-ingay kayo, sumigaw kayo kapag may nakita kayong talagang very obvious, sabihin na nating talagang sumusuway sa provisions ng ating batas tungkol sa social amelioration program,” wika ni Sec. Bautista.

Imahe mula sa PIA

“Dapat nga masampolan natin ‘yung mga LGU para hindi gayahin nung mga iba,” sabi pa niya.

Ayon pa sa kalihim, umabot na sa P48 billion ang nailipat na halaga sa mga local government units para sa cash assistance sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa buong Luzon na ipinatupad upang mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus.

Loading…