Puwede ang plastic: DTI sinabing ‘new normal’ na ang pagkakaroon ng mga harang na plastic sa mga pamilihan

  • Magiging bahagi na raw ng new normal sa bansa ang mga plastic barriers sa mga pamilihan
  • Mainam daw kasi itong proteksyon laban sa banta ng C0VID-19
  • Handa naman daw sumunod ang lahat ng establisimyento sa ipatutupad na ito ng DTI

Kanya-kanyang diskarte ang mga negosyo at mamamayan upang makaiwas sa banta ng C0VID-19. Ngayong unti-unti na ring nagbabalik operasyon ang mga tindahan sa bansa dahil itinuturing na rin silang essential establishments, mayroon silang ipinatutupad bilang proteksiyon.

Isa sa mga pinakaginagamit ngayon ay ang pagkakaroon ng harang na plastic na nagsisilbing harang sa mga nagtitinda o clerk at mga customer. Sa ganitong paraan daw ay naipatutupad nang maayos ang social distancing na mahalaga para hindi makahawa ng virus.

Larawan mula sa video ng GMA News

Suportado naman ito ng Department of Trade and Industry (DTI) at sinabing kahit tuluyang alisin ang enhanced community quarantine (ECQ), ang paglalagay ng plastic na harang ay magiging bahagi ng new normal sa bansa.

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, isa raw talaga sa ipatutupad nila sa mga pamilihan at kilalang mall na maglagay ng plastic barriers upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at maging ng mga frontliners na rin.

“Yan ang magiging new normal para talagang may proteksyon ang ating kababayan, pati mga frontliners nung tindahan na ‘yon. ‘Yung cashier, ‘yung saleslady, hindi talaga sila ma-expose,” pahayag ni Lopez.

Wala naman daw kaso ito sa mga pamilihan at tindahan dahil kahit wala pa ang utos ng DTI ay ginagawa na nila ito. Ang maliliit na negosyo nga tulad ng mga karinderya ay may harang na ring plastic at wala na rin munang dine-in para sa customers. No touch din ang pagbabayad dahil nilalagay na rin sa isang tray ang pera.

Larawan mula sa video ng GMA News

Ang Philippine Amalgamated Supermarkerts Association naman ay sinabing handa silang ipatupad ang new normal na ito ng DTI sa oras na matanggap nila ang opisyal na kautusan.

Maliban sa plastic barriers, mahigpit na ring utos ng DTI ngayon sa mga negosyo na nag-ooperate na ang pagkakaroon ng sanitation stations, pagkuha ng temperatura ng mga empleyado at staff, pagsusuot ng face mask, at pagtalima sa social distancing.

Loading…