“QC at QC!” Quezon City, itinampok ang kanilang Quarantine Centers

  • May Quarantine Centers na ang Quezon City
  • Tinawag nila itong “QC at QC”
  • Solusyon at proteksyon umano ito para sa mga pasyente at frontliners  laban sa COVID–19 na kauna–unahan sa Metro Manila

Itinampok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang kanilang “Quarantine Centers” na tinawag nilang “QC at QC” o mga QC Emergency Quarantine Facility, na inihahanda na umano para sa mga frontliners at pasyente ng Coronavirus Disease 2019 o COVID–19.

Ayon sa Facebook page ng “QCitizens,” QC ang kauna-unahang lungsod sa Metro Manila na magkakaroon ng Emergency Quarantine Facility para sa mga mamamayan ng lungsod. Batay kasi sa mga ulat, sa nasabing lungsod ang may pinakamaraming kaso ng naturang sakit.

Imahe mula sa Facebook page na QCitizens

“Nakakatuwang malaman na magtatayo ng bagong Quarantine Centers ang QC government upang makatulong sa ating mga COVID-19 patients at frontliners. Ang Quarantine Centers ay isa sa mga solusyon at proteksyon laban sa kumakalat na virus. Ito ay makadagdag sa kapasidad ng mga health facilities sa lungsod,” ayon sa post.

Dagdag pa, “Maraming salamat sa WTA Architecture and Design Studio,  tunay nga naman sa panahon ng crisis, basta’t tulong–tulong, makakagawa ng solusyon.”

Makikita sa post ang larawan ng exterior at interior prospective ng pasilidad, mga kamang gagamitin,  kopya ng exploded axonometric, at maging floor plan ng mga establishment.

Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

“Go Mayor Joy! Marami mang bumabatikos sa iyo, marami pa rin namang naniniwala sa kakayahan mo. Ipagpatuloy mo lang ang dapat mong gawin  para sa bayan!” suporta ng isa.

Panawagan naman ng isa. “Sana totoo ‘yan… eh yun ngang mga relief goods wala pa, as in WALA pa, puro pa–picture sa iilan na nabigyan. Sana naman po lahat mabigyan hindi yung selected lang, at pang–post sa social media.”

“Patapos na po ang quarantine at lockdown period, ngayon pa lang magpapagawa? Dapat po noong bago pa lamang nagsisimula ang COVID–19, napaghandaan na iyan,” pasaring naman ng isa.

Public Domain Image

Papuri naman ng isa, “Good job, QC Local Government! Tama po iyan. Mas mainam na po ang may ginagawa kahit medyo huli na, kaysa pakinggan ang mga pambabatikos at wala na gawin at all. Sana po magkaroon ng ganyan sa bawat barangay, para mas localized ang approach.”

Pagbati sa lokal na pamahalaan ng Quezon City! Nawa po ay matapos na ang pagbuo ng naturang quarantine facility upang magkaroon ng saysay para sa mga pasyente at frontliners.

Source :

Facebook

Loading…