Quarantine look? Uban dagdag-pogi points para kay Papa Piolo

  • Kahit naglabasan ang mga uban, hindi nabawasan ang appeal ni Piolo Pascual sa mga tagahanga
  • Ipinost ni Piolo sa Facebook ang larawan niya na kita ang mga puting buhok sa ulo, kilay, patilya at manipis na bigote
  • Inihalintulad siya ng mga fans sa mga international actors na sina Richard Gere, George Clooney at Tom Cruise

Para sa kanyang mga tagahanga, kahit naglabasan na ang mga puting buhok ng aktor na si Piolo Pascual ay hindi nabawasan ang kanyang kagwapuhan at malakas na appeal. Dahil sa kanyang mga uban ay inihalintulad pa siya ng mga fans sa ilang sikat na international actors na may salt and pepper hair.

Imahe mula sa Facebook account ni Piolo Pascual

“He looks like Richard Gere. He might have aged. But still very handsome and sizzling with appeal. Take care Papa P. God bless,” komento ng isang tagahanga sa post ni Papa Piolo sa ipinost na larawan sa Facebook noong nakaraang linggo kung saan tila nagulat siya sa kanyang “quarantine look.”

May iba na ikinumpara siya kay George Clooney at kay Tom Cruise.

“What happened,” caption ni Piolo sa larawan na makikita ang mga uban sa ulo, sa kilay, sa patilya at sa ilang araw pa lang na tumutubong bigote.

Trending ang nasabing “ubanin look” ng aktor na mayroon nang 35,000 reactions, mahigit 1,900 comments at halos nine hundred shares.

Inamin noon ni Piolo na nagtitina siya ng buhok. Ibinahagi niya dati sa Instagram account niya ang palpak niyang pag-dye ng buhok, bigote at balbas. Nagmantsa kasi  sa patilya at bigote niya ang hair dye. Mabuti na lang daw at mahusay ang make-up artist niya kaya hindi nahalata sa ginawang TV shoot noong araw na iyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Piolo Pascual

Hindi pa naman matanda si Piolo. 43-anyos pa lang siya. Talaga lang maagang lumabas ang mga puting buhok niya. Batay sa mga komento ng fans, mas maganda nga raw ang salt and pepper hair niya dahil natural iyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Piolo Pascual
Source :

Facebook, Journal

Loading…